Thursday, September 13, 2007

Balita! Balita! Balita!

Eh na establish na natin sa nakaraang eksena masaya ako.

Wala na akong iba pang maikukwento kundi masaya ako. Dagdagan na rin natin na kulang ako sa tulog at may quiz yata kami bukas tungkol sa mga capital ng lahat ng Asian countries. Kelangan ko ang geography powers ni Nina Rumbines, kahit anung bansa, alam niya ang capital.

Oo nga pala, may report din ako bukas. At okay naman ang crash course sa wushu.

Pero ito talaga ang intention ng post na ito. Mga balitang walang kinalaman sa conviction ni Erap at sa performance ni Britney.

Dahil hindi siya gusto ng gusto niya, ininjectionan niya ng dugo niya yung babae.

Wala kasi siyangbuhok, kaya nagnakaw siya ng hair loss treatment.

Masaya ba? Masaya naman sa tingin ko.

Sige, sa susunod.

No comments:

Post a Comment