Tuesday, November 7, 2006

isang walang kwentang pagsasalaysay ng buhay

    Inuubo pa rin ako. Pero konti na lang, yung tipong nauubo lang kapag na aalala (eng?)

    Napupuyat ako nang dahil sa internet. Kung anu-ano ang mga tinitignan ko at panay google. Hindi ito magandang pangitain, kaya siguro hindi nawawala ang ubo ko.

    Bakit ako nagkakaganito? Kung anu-ano na lang ang mga pinagtitignan ko (hindi pa naman tipong bastusin, pero tipong wala namang kinalaman sa ikagaganda ng buhay ko at ng mundo).

    Puro pasa ang mga tuhod ko. Ang cute tignan. Hehehe. Tinotopak na ako, natutuwa ako sa itsura ng pasa.

    Hindi na ako marunong pumasok sa school. Parang ang tagal kong di nag-aral, nagsembreak lang naman ako.

    Bumili ako ng isang pares ng sapatos. Masaya naman sila.

    Matutulog na ako. Wala na itong kwenta. Baka burahin ko din ito pagdating ng araw. Baka lang.

    Ang gastos ko. Lychee!


No comments:

Post a Comment