Sunday, March 29, 2009

Makiling Survey -- from Facebook

Ilang beses na akong na-tag para gawin ito. Gagawin ko na talagang totoo. Medyo boring akong studyante noon. Medyo lang. Hahaha. Mabait pa kasi ako nung first 2 and a half years as compared to others. Hindi kasi ako umiinom o nagyoyosi. At grabe ang konsensiya ko noon kapag nagshortcut lang ako. Pero noon yun... ngayon hindi na. >:)

GE at Arts
[x] Di gumawa ng homework more than 5 times
[ ] Napalabas ng teacher from class
[x] Kumain sa loob ng classroom
[x] Di pumasok sa class dahil ayaw mo lang
[ ] Inuna ang siesta sa hapon at nalate ng todo sa arts class dahil nkatulog ng mahaba
[x] Natulog sa class -- May shifting pa kami ni Joy-anne sa class ni Mam Arboleda para may notes pa kami.
[ ] Na-late more than 7 times -- Ms. Punctuality ako, never ako na late sa GE
[ ] Na-suspend dahil sa excessive tardiness
[x] Pinagtri-tripan ang morning excercise sa road
[x] Gumawa ng assignment sa loob ng classroom, habang nandyan ang teacher
[x] Gumawa ng plate/ nag-ensayo para sa arts habang GE time
[x] Kumain sa loob ng library
[x] Nag-ingay sa loob ng library
[x] Napagalitan ng librarian
[x] Nakipaglaro sa anak ni Mam Mojica ng espadahan sa library
[x] Nagpanggap na magreresearch sa library pag recess when gusto lang magpa aircon
[x] Pumasok ng naka-sandals o tsinelas
[x] Nag-jacket para kunwari naka-white shirt sa loob
[x] Nasermonan ng teacher ang buong klase
[x] Nag-walkout ang teacher sa class niyo -- Maliban sa nag walk out si Mam Bazar, si Sir Estepa isang beses pumasok lang sa classroom, nagsulat ng lesson sabay walk out
[ ] Bumaba sa school area nang maaga para makapag-basketball/volleyb
all
[x] May bagyo, at nagdasal na sana may masirang puno sa road para humarang sa rosa
[x] Pumasok sa class ng di prepared (plate, scene study, etc.)
[x] Na-late sa Arts
[x] Napagalitan nang matindi ng teacher
[x] Sumugod ang buong batch para humingi ng sorry sa isang teacher.
[x] Bumibili ng pagkain sa admin area
[x] Naglakad mula school area, NAC Theater, Vargas Area pabalik ng dorm
[x] Nagvolunteer na itaas at/o ibaba ang watawat sa flag ceremony, flag retreat
[x] Hindi ka (as in kayong class/batch) pinapapasok ng isang teacher hanggang sa sabihin niya na "enter the dragon!"
[x] Ginamit na rason ng pagkakaroon ng thesis/recital para bigyan ng mas magaan na load, assignments, et al sa GE -- Kaya ang batch namin hindi nagcheerdance. Kami lang yun. Hahahaha.
[ ] Kunwari tutugtog ng national anthem, PHSA hymn at exercise theme para hindi matikman ang sinag ng araw
[x] kinakabahan sa chemistry class at sa index cards -- ng bonggang bongga
[x] gumawa ng short film/s para sa project sa GE subject
[x] namemorize ang ions at anions sa anumang paraan (kanta, tula at kung anu-anung codes)
[x] Nag- impromptu ng class presentation dahil di talaga nag prepare at all or sobra sobra ginagawa

SA PANGKALAHATAN
[x] Umakyat ng bubong
[x]Umakyat at nakabutas ang bubong
[ ] Nakipag-suntukan
[x] Nakipag-sigawan sa kaklase o roommate o kapwa
[ ] Kumuha ng pagkain/inumin sa ref nang di nagpapaalam sa may-ari
[x ]Nagkaroon ng inis with other batch
[x] Tumakas sa student's assembly at nanatili sa dorm
[x] Nasabihan ng house parent ng "ILAW NIYO!"
[x] Nanakot ng freshman (as in "multo" takot) -- Naman! Si Mara at si Angel. Siyempre yung mga first years namin.
[ ] Nagkaroon ng boyfriend/girlfriend na batchmate
[ ] Nagkaroon ng boyfriend/girlfriend (higher o lower batch) -- wala noong studyante pa ako. Bwahahaha,
[x] Nag-shortcut papuntang kabilang cottage
[x] Nag-shortcut papuntang kabilang dorm
[x] Nag-swimming sa pool na di alam ng houseparent
[ ] Lumabas sa PHSA na patakas
[ ] Naiwan ng Rosa/Big Bus dahil nasa computer shop pa -- Ms. Punctuality talaga ako. As in paranoid akong maiwan ng Rosa.
[x] Pumila ng dalawang beses o higit pa sa pagkain
[x] Nakitulog sa kwarto ng iba
[ ] Na-ban sa Dorm
[x] Pumunta sa ibang dorm na di naglo-login sa blue book
[x] Nanuod ng recital pero natulog lang o kaya nakipagchikahan lang --Kinabukasan sinabihan ako ni Botin "Isab, sinong kausap mo sa likod?"
[x] Umapaw ang utang sa cafeteria (dahil sa sandwich, milo, etc) -- Yung egg sandwich na yan pahamak!
[ ] Pumasok/Lumabas sa Rosa o Big Bus sa pamamagitan ng paglusot sa bintana
[x] Nag-vandalize sa upuan
[ ] Napagalitan ng teachers dahil sa sobrang vandalism
[ ] Nag-kiskis at naglinis ng upuan na vinandalize ng class.
[ ] Nahulihan ng alak sa dorm
[ ] Nahuli ng teacher/ houseparent na nagyo-yosi
[ ] Nanood ng movie gamit ng laptop at nagkaroon pa ng food trip pagkatapos nito
[ ] Nakipaglaplapan sa music area
[ ] Inisip na bipolar si kuya kiko
[x] Nagustuhan ang mga higanteng uod sa kalsada -- Amazing kasi sa laki!
[x] saksi sa mga uod sa daan tuwing umuulan
[ ] Under the influence of keme kapag may party
[ ] Nakapunta sa dampalit ng illegal
[x] Hinarana ka (ung raket ng mga music majors tuwing valentine's season) -- Hahahaha. May isa pang beses na may card and flowers na pinauwi ko sa nanay ko.
[ ] Naging SC member -- Muntikan lang. Pero naging Dorm Mayor ako.
[x] Pumunta ng Dampalit
[x] naglinis ng aquarium para sa mga isda ng biology class
[x] sumasalo ng falling leaf -- Sabay wish! Pakana ni Jk
[ ] nakakita ng mga milagrong ginagawa ng room mate kapag break o gabi
[ ] Nakapagswimming sa pool kahit may mga algae algae na ito
[ ] Nagkaroon ng lesbian/gay moments
[ ] Nanghuli ng cicada/antlion kapag break
[x] Nagnakaw ng hanger sa sampayan - Dahil lagi din akong nanakawan kahit ang laki ng pangalan ko sa pink na hanger
[ ] Nakasira ng kahit isa man dito na matatagpuan sa classroom gaya ng piano, lcd proj, lcd screen tv, vhs
[x]Nagkaroon ng matinding punishment from a teacher
[ ] Nakipag-inuman/ yosi ng lihim with classmates/ka-majors
[x] Nadedepress kapag paakyat o pababa na ng makiling

No comments:

Post a Comment