Monday, October 8, 2007

The Mulan Experience and back to Estudyante Blues

    Masaya naman ang pakiramdam na nakatapos ng isang production. Masaya naman at na perfect ko rin ang choreography na tipong hindi na ako na liligaw papunta sa blockings ko. Masaya na nakuha ko ring lumanding sa barrel turn na nakaharap sa audience. Lalong masaya na nagawa ko ang lahat ng countings ng fight scene na hindi ako natamaan o nakatama.

    Masaya rin makakapagpahinga ang mukha sa make-up na jade at ang katawan ko sa pagpapawis ng todo sa scotch brite couture.

    Masaya ang Mulan. Sobra. Salamat kay Ate Shing na binanggit ako sa inyong paghahanap ng isang understudy na papalit sa iyo habang ikaw ay nagpapaka Insiang. Salamat sa aking mga co-actors na mega bulong sa akin sa stage sa mga panahong na mamasyal ako sa paghahanap ng blockings.

    Salamat sa Wushu class. Masaya rin yun kahit nakadalawang session lang ako.

    Kay Max na sinisiguradong nasa pwesto ako. At kay Ed na nagpapakurot sa pwet kapag curtain call. At kay ate Chyna sa walang humpay na pagbibilang habang nagrerehearse ako mag-isa kasama si Shing. Hihihihi. At kay ate Beng sa pagbraid nag buhok at kay Minette sa Choco mucho.

    At siyempre, ang electric fan na nagpapatuyo ng lusaw na make-up.

    Kay bilis ng mga pangyayari. Tapos na ang digmaan!


    Salamat kay Jodeline Rose at Rolend Roble sa pagnuod. Sayang di tayo nakapagpicture.

My ever supportive mother and father plus sister. With Ed the green-faced monster who is thinking of making more luminous products. Thank you brother for the camera.

The boyfriend and his boyfriend.

More pictures here!!!!

    Sa mga hindi nakanuod, you missed half of your life. Hahahaha!
---------------------------------------------

    Nakakatawa kapag sa Meet and Greet merong lalapit, "Kuya pwedeng papicture tayo?". Tapos sasagot ako gamit ang aking tunay na babaeng boses, "O sige." Nagugulat yung magpapapicture. Babae pala ako. Tapos, magso-sorry sila dahil tinawag nila akong KUYA. Hehehe.

--------------------------------------------

    Kagabi, habang cast party ng Mulan, parang ayaw kong matapos ang gabi dahil may mga exams pa akong kelangan harapin at isang paper na malapit ko na talagang sukuan.

    Hanggang Lunes na lang, at meron akong semi-pahinga. Konting tiis na lang.

    Dapat nag-aaral ako ngayon dahil may dalawang exams ako bukas. Pero hindi, heto ako, nagmumultiply. Talaga nga naman o!

    Sige na nga, susubukan ko nang mag-aral. O kahit kunwari lang muna.

7 comments:

  1. kaw ang gumanap na mulan? wow! saya naman! fave character ko siya sa lahat ng disney princess...haaay...^__________^

    ReplyDelete
  2. hindi. Isa ako sa mga soldiers. At hindi Disney na Mulan ang ginawa namin.

    ReplyDelete
  3. waahhh!! i'm so sorry missed mulan. :( but i bet you were great and you enjoyed the production. siguro pag andun lang ako nanuod, baka mainggit lang ako sa ginagawa mo sa stage. pero proud. heheh :) miss you na isab. hope to see you soon. kumusta na lang sa buong pamilya mo. kelan kaya ulit ako makikitulog? heheh ingat palagi.

    hahah " the boyfriend with boyfriend" kulit.

    ReplyDelete
  4. litson!!!! Hoy, balita ko deadma lang daw si Tita Alice ng sinabi mo na nagPeta ka.

    Tulog ka dito anytime. Party tayo. miss ko na lahat!

    ReplyDelete
  5. hoy di ka naka-ym? hahaha. yup ganun na nga. pero anyway, malalaman nya rin o matatanggap in time. :)

    ReplyDelete
  6. hahaha. oo. kasi patulog na ako nung nabasa ko yung sabi mo. hayaan mo, usap tayo soon.

    ReplyDelete