Monday, June 11, 2007

At bumagsak...

Bumagsak ako sa isang malambot na kama. Ang saya.

-------------------------------------------

May mga gabing hindi ka makatulog dahil sa problema. Hindi mo alam ang gusto mo. Hindi nasusunod ang plano mo dahil natakot ka.

May mga gabi na hirap kang matulog sa sobrang saya. Na kahit nakapikit ka, nakangiti ka pa rin. Kung may nakakakita sayo, mukha ka nang tanga.


Kelangan kong gumising ng alas-tres ng umaga para sa 4:30am calltime. Ibang level ito!!! Paano ba yan? At sleeping time ko ay 4:00am?? Tapos maganda pa ang kinalabasan ng gabi mo, ano ang gagawin mo?

Iidlip na lang ako. Kahit makapag-pahinga ng konti masaya na ako.

Diba? Diba?

Sabi ng maliit na kwago: I wanna sing-a...I love to sing...

No comments:

Post a Comment