Sunday, October 22, 2006

and so your girlfriend wants to break up with you for the NTH time!!


Pucha, eh di break-an mo na. Magpaparamdam ka lang naman kung makikipag-break na sayo girlfriend mo, katulad ngayon. Ayokong magsalita ng masama tungkol sa girlfriend mo, pero kung linggo-linggo ba naman gustong makipag-break, obvious ba na hindi niya kayang magpatuloy sa relasyon niyo.

Hay..buti at wala akong load. Kaya may dahilan ako para hindi magreply. Nakakasawa ng pagkakaibigan natin kung ganito lang, kung puro tungkol sa girlfriend mo na gustong makipag-break sa iyo.

Puwede ba, alam mo na kung anong gagawin mo. Huwag mo na kaming tanungin.



3 comments: