Tuesday, May 26, 2009

Habang Minumura ng Tag-init ang Tag-ulan...

minumura ko naman ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi puso ang masakit kundi ang ngipin ko. Ngayon ko lang ulit maranasan ang umiiyak habang tumatawa. Umiiyak ako sa sakit pero natatawa ako dahil para akong tanga nakaupo sa harap ng dentista umuungol na parang nanganganak. Ang nanay ko tuloy, napapasok sa lakas ng ungol ko. Kaya noong mabunot yung ngipin, ang sabi ng dentista "Mommy, lola na kayo, lalaki!" Bwiset di ba! Pero natawa na lang ako. Siguro nahiya rin ako sa dentista na umiiyak ako sa sakit kaya ako natawa.

Ngayon, masakit ang tinahi. Lalong masakit noong hinihila yung ngipin. Pinangalanan ko na siyang Impakta. At pinauwi pa sa akin ng dentista para remembrance daw. Ang sweet di ba!


-------------------------
At ngayon heto na. Natapos na naman ang isang produksyon. May isang linggo ang akong pahinga bago magsimula na naman ang isa pa. Talagang gusto kong magkaroon ng perfect attendance sa VLF.

Naalala ko noong tinawagan ko ni Herbie para sumali sa unang labfest. Ang sabi niya lang sa akin "I have this small role for you". At gusto niya ako kunin dahil nakapagsasalita ako ng Ilonggo. Hindi niya naman sinabi na may kama sutra pala yung role na ibibigay niya sa akin. Ang saya. Naloka ako. Pero mas naloka ang nanay ko at kuya ko nuong mapanuod nila. Wala pang bayad ng mga tao noon sa labfest. Biskwit at kape lang ang meron kami. Pero masaya. Lalong masaya nuong na re-stage kami at nanuod ang tatay ko. Inabangan ng lahat kung ano ang magiging reaksyon niya. Proud si Papa. Kinongrats ako pati si Kuya Noel. Panalo yun!

----------------------------
Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong pasalamatan. Pero parang hindi maayos ang pag-iisip ko ngayon para isulat ang lahat. Siguro dahil umiikot pa ang utak ko sa pain killer na ininom ko para sa ngipin ko.

Kaya heto na lang.

Napagod ako ng sobra. Napuyat at nasubok ang aking pasensiya. Pero masaya ako. Masayang masaya sa takbo ng buhay ko. Alam kong ilang beses ko na itong nasabi. Masarap kasing sabihin.

5 comments:

  1. Ate isab :D congrats, mommy ka na pala. imbitahan mo naman kami sa binyag :D

    at nakakaiyak yung medyo dulong part, naluha ako. haha!

    ReplyDelete
  2. Congrats kay Impakta, hahaha!

    Break a leg sa Labfest! Hahaha, syempre nung nakita ko yung list ng plays, yung sa inyo ang unang-una sa listahan. =)

    ReplyDelete
  3. Salamat. Hayaan mo ninang ka.

    Bakit ka naiyak? Echosera ka talaga. Hahaha.

    ReplyDelete
  4. Salamat Hogi! Nasaan ba yang listahan na yan? Hindi ko makita. Hehehe.

    ReplyDelete
  5. Sumilip lang ako sa kopya ni Opa, hahaha. Di ako mag-SM this year eh. Lahat ng SMs ngayon bago, except for yung mga babalik for Revisited, ahehe. Nahatak pa ni Ed sila Matt at Tin ng Summer's Nights, Summer's Dreams.

    ReplyDelete