Sunday, December 23, 2007

Not in the mood to celebrate

I don't know what's wrong with me. I'm not in the mood to celebrate Christmas. I didn't do any Christmas shopping. Nothing for the family or friends or lovers.

Wala akong gana magpasko.

Pero dati naman kapag pasko nagiging excited ako dahil alam ko na malapit na ang bagong taon. Pagkatapos ng bagong taon, alam kong malapit na ang birthday ko.

Pero ngayon ayokong magbagong taon. Ayokong dumating ang Enero. Ayokong dumating ang Pebrero at ang Marso. Lalong-lalo na ang Abril.

Parang may mamamatay sa Abril. Wala naman. Sa ngayon.

Wednesday, December 12, 2007

Kumusta Ka?

Ako? Okay pa naman. Malapit nang mamatay pero kaya pang mabuhay. Ang saya di ba?

Heto ako nanlalagkit ang pwet sa kakaupo sa loob ng kotse habang inikot namin ni Papa ang Ortigas, San Juan, Santa Mesa at sa kung saan pa man ang pinuntahan namin.

Inaantok na ako pero hindi pa ako pwedeng matulog. Ayoko pang matulog. Siyempre, kelangan ang pang trabaho. Huwaw! Trabaho! Halos dinugo ako nung sinabi yun. Take note, hindi ko tinawag itong raket. Bwahahaha!

Gusto ko lang magtype ng mga walang kapararakan bagay ngayon bago ako maligo at magpatuloy sa trabaho. OH NO! Muntikan na naman akong duguin! Hahaha.

Paano kung tunay na itong trabaho? Yung tipong pumapasok na ako sa isang opisina simua alas-nuebe hanggang alas-singko. Yung tipong may time-in time-out na card... siguro comatose na ako nun... Hahahaha..

Ito siguro ang napapala ng panay drive-thru na lang ang kinakain. Wala na kasing oras para umupo sa isang matinong kainan. Tsk tsk.

Tama na. Talo na ng mantikain kong mukha ang Minola Oil. Maliligo na ako.

Thursday, December 6, 2007

Frustrating

Lahat ng taong tinatawagan ko hindi sumasagot ng telepono. Nagtelepono pa kayo!

Kulang pa ako ng tao. HANUBAHYAHN.

A thought

I do want something forever.

But I do not believe in forever.


Not yet anyway.




Maybe I'm scared of forever. I don't know.

Saturday, December 1, 2007

R.I.P. Evil Knievel

http://news.yahoo.com/s/ap/20071130/ap_on_re_us/obit_knievel
He can't die! He's Evil Knievel!


But he died. :-(

Dyeysil The Amazing

This post is for my sister Angel who fixed my multiply site.

I messed up the CSS code my site. Then I tried to fix it but I was hopeless. And Angel comes to the rescue! In 30 minutes, she has a new design for me. Although she suggested to me to make a new header. Para iba naman daw.

Ayun.

The header has an excerpt of a poem by Luis Garcia Montero. I copied it from the Instituto Cervantes ad in the LRT. Inspiring I say.


I was suppose to post an entry I wrote in a notebook and pen. Hahaha. But then a tank attacked Manila Pen then everyone was crying because of the tear gas. In other words, nawalan ako ng gana.

Salamat Dyeysil!

Wednesday, November 28, 2007

Save!

Dahil nami-miss ko nang maglaro ng taguan at tumakbo ng mabilis para maunahan yung taya sa base at sabay sigaw ng "Save!", heto konting kwentuhan na walang patutunguhan. Sigurado ako.

Sa totoo lang, ayoko ng mga larong takbuhan dahil mabagal akong tumakbo. Pakiramdam ko nga mas mabilis pa ang mabilis kong lakad kaysa sa pinakamabilis kong takbo. Pero bihira lang akong nagtataya sa mga larong patintero, taguan, langit-lupa, monkey-monkey annabelle at pepsi-seven-up.

Siguro dahil nung bata ako, maliit ako at payatot kaya madaling sumiksik sa mga gilid-gilid. Naalala ko na may isang beses na inabot yung mga kalaro ko ng 30 minutes sa kakahanap sa akin sa isang maliit na bahay. Yun pala nasa ilalim lang ako ng mesa sa likod ng basurahan. Actually, hindi nila ako nahanap. Lumabas na lang ako dahil naiinip na ako sa pinagtataguan ko. Pagkatingin ko sa base, nagpa-panic na yung mga kalaro ko sa kakahanap sa akin. Yung taya, pinagpapawisan na. Yung hindi mga taya, nakikihanap na rin.

Pagdating sa larong patintero, ako yung laging pinapadaan lang nung tayang team. Ayaw nila akong tayain. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hirap silang abutin ako kahit nakatayo lanag ako sa gilid ng linya. Pero kami yung taya, nakakataya ako minsan lalo na kapag pwede yung "reaching" at "big step". Go flexibility. Hahaha.

Sa larong lagit-lupa, hindi ko na talaga maalala kung bakit ako hindi natataya. Pero na aalala kong natataya ako. Hahaha.

Sa pepsi-seven-up, lagi kasing may nauuna sa aking makahawak dun sa taya. Kaya tumatakbo na lang ako agad.

Yung monkey-monkey ang isa sa mga all-time favorites ko. Pwede rin yung isang version na Ice-Water. Gusto-gusto ko kasi yung kapag lahat naka-freeze na tapos paunahan kayong sisigaw ng "Viva!" sabay taas kamay na nakapeace sign.


Nakita ko kasing naglalaro yung pinsan at mga pamangkin ko ng taguan noong Linggo. Nakaka-inggit silang panuorin na pinoproblema lang nila ay kung kelan sila sasabihan ng mga nanay nila ng "Tama na ang laro, uuwi na tayo." Ang sarap pakinggan ng tawa nila kapag nahuli nila kung saan nakatago yung isa't isa.

Oh, to be really young... /buntong hininga/

-------------------------------
Sa dami ng mga pinapabasa...

...lalong lalabo ang mga mata ko this semester. Nakikini-kinita ko na.Patawad Mama at hindi ako kumakain ng mga gulay na sagana sa bitamina A.

-------------------------------
Manong forwarded me this link from Neil Gaiman's Official LJ community:

http://syndicated.livejournal.com/officialgaiman/413168.html

One of the best proposals ever...
Read the guy's entry first. Really awesome. Nakakabilib yung lalake na nagawa niyang itago sa girlfriend niya ang lahat nang iyun.

Forget sunsets. Forget romantic candle-lit dinners. Forget ring at the bottom of the girl's champagne. Forget ring inside the cake (I find this one disgusting!).

Get Neil Gaiman to propose for you!







P.S. I get all wooby-wooby inside when ever I see "Your boyfriend" in my Multiply Network. Hahaha! Girly-girl moments followed by a quick cringe.

Wala lang.