Tuesday, March 18, 2008

Yung kantang yun

May maririnig kang kanta tapos maiisip mo na "Uy, ang ganda nito. Kelan kaya babagay sa akin 'to?" Makakalimutan mo yung kantang yun.

Hanggang sa isang araw maririnig mo tapos tamang-tama na.

At tuwing maririning mo ulit yun, maaalala mo yung bawat detalye na binagayan ng kantang yun. Yung suot niya, yung suot mo, yung pinag-usapan niyo, yung hindi pinag-usapan. Yung ingay mga dumadaang sasakyan, yung sandaling katahimikan. Yung pakiramdam ng ihip ng hangin. Yung pakiramdam ng tiyan mo sa kaba. Yung takot kung sasabihin mo ba. Yung saya nung nasabi mo na. Yung saya nang marinig mo na.

Yung mga ganung bagay na hindi mo iisiping maaalala mo.

Tapos mapapangiti ka na lang sa kalagitnaan ng paglalakad sa mausok na kalye. Tapos kikiligin ka. Tapos masaya ka na ulit.

No comments:

Post a Comment