Wednesday, November 28, 2007

Save!

Dahil nami-miss ko nang maglaro ng taguan at tumakbo ng mabilis para maunahan yung taya sa base at sabay sigaw ng "Save!", heto konting kwentuhan na walang patutunguhan. Sigurado ako.

Sa totoo lang, ayoko ng mga larong takbuhan dahil mabagal akong tumakbo. Pakiramdam ko nga mas mabilis pa ang mabilis kong lakad kaysa sa pinakamabilis kong takbo. Pero bihira lang akong nagtataya sa mga larong patintero, taguan, langit-lupa, monkey-monkey annabelle at pepsi-seven-up.

Siguro dahil nung bata ako, maliit ako at payatot kaya madaling sumiksik sa mga gilid-gilid. Naalala ko na may isang beses na inabot yung mga kalaro ko ng 30 minutes sa kakahanap sa akin sa isang maliit na bahay. Yun pala nasa ilalim lang ako ng mesa sa likod ng basurahan. Actually, hindi nila ako nahanap. Lumabas na lang ako dahil naiinip na ako sa pinagtataguan ko. Pagkatingin ko sa base, nagpa-panic na yung mga kalaro ko sa kakahanap sa akin. Yung taya, pinagpapawisan na. Yung hindi mga taya, nakikihanap na rin.

Pagdating sa larong patintero, ako yung laging pinapadaan lang nung tayang team. Ayaw nila akong tayain. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hirap silang abutin ako kahit nakatayo lanag ako sa gilid ng linya. Pero kami yung taya, nakakataya ako minsan lalo na kapag pwede yung "reaching" at "big step". Go flexibility. Hahaha.

Sa larong lagit-lupa, hindi ko na talaga maalala kung bakit ako hindi natataya. Pero na aalala kong natataya ako. Hahaha.

Sa pepsi-seven-up, lagi kasing may nauuna sa aking makahawak dun sa taya. Kaya tumatakbo na lang ako agad.

Yung monkey-monkey ang isa sa mga all-time favorites ko. Pwede rin yung isang version na Ice-Water. Gusto-gusto ko kasi yung kapag lahat naka-freeze na tapos paunahan kayong sisigaw ng "Viva!" sabay taas kamay na nakapeace sign.


Nakita ko kasing naglalaro yung pinsan at mga pamangkin ko ng taguan noong Linggo. Nakaka-inggit silang panuorin na pinoproblema lang nila ay kung kelan sila sasabihan ng mga nanay nila ng "Tama na ang laro, uuwi na tayo." Ang sarap pakinggan ng tawa nila kapag nahuli nila kung saan nakatago yung isa't isa.

Oh, to be really young... /buntong hininga/

-------------------------------
Sa dami ng mga pinapabasa...

...lalong lalabo ang mga mata ko this semester. Nakikini-kinita ko na.Patawad Mama at hindi ako kumakain ng mga gulay na sagana sa bitamina A.

-------------------------------
Manong forwarded me this link from Neil Gaiman's Official LJ community:

http://syndicated.livejournal.com/officialgaiman/413168.html

One of the best proposals ever...
Read the guy's entry first. Really awesome. Nakakabilib yung lalake na nagawa niyang itago sa girlfriend niya ang lahat nang iyun.

Forget sunsets. Forget romantic candle-lit dinners. Forget ring at the bottom of the girl's champagne. Forget ring inside the cake (I find this one disgusting!).

Get Neil Gaiman to propose for you!







P.S. I get all wooby-wooby inside when ever I see "Your boyfriend" in my Multiply Network. Hahaha! Girly-girl moments followed by a quick cringe.

Wala lang.

Tuesday, November 20, 2007

Isang Eksena sa Ice Cream Parlor sa Libertad at Isa Pang Tanong

May isang ice cream parlor dito sa Libertad. Naisipan namin mag-order ng "Lovers Delight" kahit nandidiri kami sa pangalan. Eh mukhang masarap e. At masarap nga naman.

Tinanong niya ako kung alin ba daw ang mas depressing, yung kami na kumakain nun or kung isang mamang kumakain ng Lovers Delight ng mag-isa. Napaisip ako.

Ano nga ba?

--------------------------------------------
Hindi yata ako gumagaling dahil lagi akong kulang sa tulog. Ang daming pinapabasa sa amin. Napapagod na ang mga mata sa kakabasa ng mga pina-photocopy na kung ano-ano tungkol sa Globalization, Diplomacy, International Law...

Ano ba itong pinasukan ko...

Hanggang ngayon, ayoko pa ring maging diplomatiko. Pero natutuwa ako sa kinukuha ko. Pero wala talaga akong balak maging diplomatiko.

Ano nga ba ang gusto ko?




Saturday, November 17, 2007

Spice Girls!!

But now I am a cough machine. Damn it!

I asked Angel to download the Spice Girls and Spice World albums for me. Girl Power! Hahaha. My-pechay-pie-gulay-wow! Memorize ko pa ang lyrics ng bawat kanta. Pati 2nd voice na gawa ni Mel C nakakanta ko. Hahaha.

I once had a Spice Girls notebook and pencil set. Mama bought me the Spice Girls tape, my first non-Disney album, when I was in grade 4. Now, I'm trying to remember the dance steps of "Wannabe".

Aaminin ko na talagang pop ang hilig ko bago ako pumasok ng Makiling. Maaalala pa nina Alison na meron akong tape ng Steps, Cleopatra, B*witch at Britney Spears sa table ko sa dorm. At tuwing pinapatugtog ko ang mga yun, nababaliw ang mga roommates ko na sina Ate Vera at R'love.

My gas, the memories.

------------------------------
I'm no longer sniffing.

But now I am a cough machine. Damn it!

------------------------------

Nuod kayo ng INSIANG. Magaling talaga. Suportahan!



Wednesday, November 14, 2007

Balita

Kagabi nang mabalitaan ko na may sumabog sa Batasan, hindi ako makapag-react. Dahil siguro nasa banyo ako nung sinigaw ni Manong yung balita kay Papa.

Tapos yun nga, noong lumabas ako ng banyo, tinanong ko kung anong nagyari. Nanuod ako ng konti. Nawalan ako ng gana nuong kinuhanan ng cameraman yung isang biktima ng pagsabog. Naawa ako doon sa nasabugan, kinuhanan muna bago dalhin sa hospital.

Part of me was expecting something to happen after the Glorietta thing. But I am hoping that these two bombings have no connection. I am afraid something might happen soon.

----------------------------------

Odd news:

Man in India marries dog as atonement

    - At binihisan pa nila yung aso. Do they have to practice the whole husband and wife thing? I hope not... eeew.

Woman being 'silly' hit by freight train

    - She decided to be silly while drunk. Good idea? I don't think so!!!

Cows flee after seeing McDonald's

    - Nakakatawa talaga!

-------------------------------------

I am officially sick. I haven't been sick for a while. Maybe because I wasn't getting enough sleep and body is having a hard time with my early morning schedule for the semester.

I need to get well soon. I have work and articles to do. Ugh. So many readings!

Lapit na! Para March '09 ito!

------------------------------------

It was Mama's last session yesterday. And she doing extremely well! Go mama!

Monday, November 12, 2007

Words

Last night, I had a hard time sleeping because of the smell of our newly painted ceiling (I had to sleep with all the windows AND door open) and my body clock is still wonky from the very irregular sleeping schedule I had during the sembreak.

I decided to make a list of words I enjoy saying outloud because they sound interesting. May English, Tagalog at Español. Hahaha.

Here goes:
  1. Spontaneity
  2. Redundancy (Your redundancy is very redundant.)
  3. Awesome
  4. Sovereignty
  5. Kamuning (Kamuning! Kamuning!)
  6. Tiririt (Gusto ko pumunta sa Tiririt Pub sa Cubao. hahahaha)
  7. Innovative (Try this: inNOvative)
  8. Benq (benq! benq! warf! warf!)
  9. Poke! (English ito ha!)
  10. Chicos (Oi! Hay muchos chicos!!)
  11. ChicHas
  12. Mujer
  13. Ole!
  14. Nakakapagpabagabag! (Sabihin mo ng mabilis at paulit-ulit)
  15. O' Brien
  16. Gua gua (Tunog ng aso sa Espanñol)
  17. Blagag! (Pagkatapos ng isang Hug Attack!)
  18. Emparedado (sandwich)
  19. Astig

Madadagdagan ang listahang ito sa pagdating ng panahon.

--------------------------------

Hindi ako magaling tumula. Pero noon nakakagawa ako ng tula na matino naman pakinggan.

Ngayon hindi na.

Hindi na ako marunong tumula.

Nakalimutan ko na kung paano magtugma.

Hindi ko na magawang magsulat na parang maharlika.


Yun lang. Kaya kapag bored na ako sa klase, kung ano-ano na lang ang ginuguhit ko. Wala naman sense.
 

Sunday, November 11, 2007

A Reminder


This is from Postsecret.com.

It reminded me to clean my room.



Minsan na isip ko na kapag ako namatay sa kwarto ko, mahihirapan yung mga CSI sa tindi ng kalat. Pero nasa Pilipinas nga pala tayo. Pagdating ng mga imbestigador, contaminated na yung crime scene sa dami ng chismoso't chismosang sumilip sa kwarto.

Barry the Bed should be cleaned. Hahaha. ;-)

Friday, November 9, 2007

Astig Lang.

Naaalala niyo yung post ko tungkol kay Paco Arespacochaga? Heto yung link para maalala niyo.

Tungkol kay Paco Arespacochaga.

Nabasa mo na? Naalala mo na? Nakita mo may nagcomment? Astig di ba?!?

Nung nakita ko sa email ko na may nag comment tungkol sa entry na ito, kinilabutan ako. Kinabahan pa nga e. Paano kung nagalit sa akin? Paano kung sabihan ako na burahin yung entry na iyun? Paano kung ano... um... paano na!! Hahaha. Na paranoid ang loka!

Tapos nung nabasa ko, tawa ako ng tawa sa tuwa. Tapos ina-add pa ako na contacts. Ang saya di ba!

-------------------------------------
Pasukan na ulit. At naninibago ako sa bago kong schedule. Wala akong pasok tuwing Tuesday at Friday. At meron na akong pasok tuwing Wednesday at Saturday. Kaya habang lahat ng gimikera at gimikero ay gumigimik ng Friday ng gabi, ako nasa bahay, nag-aaral para sa pasok sa susunod na araw. Tapos walang break yun. Simula 8:30-4:00. Galing di ba?

Tak, we will now be Tuesday people.

Sa mga gagagraduate ng '08, mabuhay kayo. Buena suerte sa huli ninyong semestre. Pagkatapos niyan, kelangan niyo nang maghanap ng trabaho. Di ba Eisa at Alyx? Hehehe.

Sa mga gagagraduate ng '09, mabuhay tayo di baleng delayed na tayo. At least, nagpupursige tayong makatapos. Jk, makakatapos din tayo ng college!

Sunday, November 4, 2007

The Theater Checklist

Ninakaw mula kay Alvin na ninakaw niya mula kay Hogi.

[x] 1. You’ve said countless times, "I can’t. I have rehearsal."
- Excuses, excuses. At least I'm not lying.

[x] 2. Anyone who says Macbeth has a death wish.
 - Theater superstitions are my favorite. Break a leg, bawal ang mani, Chicharap...

[ ] 3. You realize theater is your social life and you don’t have any friends outside of theater.

[x] 4. If you're an actor, tech people become your heroes.
- Mabuhay sila! They are the best source of theater chismis! Hello batute tech people!

[ ] 5. You think the Reduced Shakespeare Company is hilarious and understand the jokes while other people watching it are confused.
 
[x] 6. You want to shoot people who think putting on a production is easy.
- Hay.

[x] 7. Stress is a way of life.
- Stress makes us appreciate life. Hahaha.

[x] 8. Cast parties rank right up there with birthday parties.
- Equal between Cast parties and Vice parties

[x] 9. You never realized how much fun you had at rehearsals until you don’t have any more.
- Rehearsals, hell week, playtime, shows... lahat na!

[ ] 10. You’ve been quoted on the Quote Wall.
- Kwento lang. Isang araw, may rehearsal ng Ondine. Nire-rehearse ang eksena ng muling pagkita ni Hans at Bertha. Sabi ni Herbie na dapat daw kapag makikita mo ang eks mo, siguraduhin mong maganda ka. Hindin-hindi ko ito makakalimutan. Patuloy.
 
[x] 11. You can’t seem to memorize your lines, but you know everyone else’s lines verbatim.
- Especially the roles you want to play. At some point, you also memorize the blockings.
 
[x] 12. You have the urge to be in character in public.
- Guilty

[x] 13. Once the production is over you don't know what to do with your time.
- I end up sleeping late even if I have nothing to do.

[ ] 14. You complain about how ugly your costume is.
- I actually found all of my costumes interesting. Kasi kapag iisipin mong pangit, eh di may negative vibes na yung costume mo tuwing isusuot mo. Tapos, hirap ka nang kumilos na suot yung costume. Tapos, mahihirapan ka nang gumalaw sa stage. Tapos, magkakamali ka na lagi. Tapos, magpapanic ka. Tapos, wah!!!! Kaya mabuti nang hinga ka na lang ng malalim, tapos pagtawanan mo yung costume mo. Tapos isipin mo yung effort ng mananahi na gawin yan. Oh di ba. Tapos!

[x] 15. You absolutely love your costume and want to steal it from the costume room after the play is over.
- Favorite costumes so far: Blue table cloth gown and Ondine outfit from Ondine, Pink gown with Christmas balls from Tempest, Ninoy shirt from Birthday ni Guido ;>, Jungle outfit and daster from Rite of Passage, hahahaha.

[x] 16. You think your director is the coolest guy ever.
- Go!
 
[x] 17. You think your director is an idiot.
- I had a director once who would let us mark our scenes in every rehearsal. Alison, kilala mo 'to! Buti hindi natuloy yung prod na yun!

[x] 18. You love going to see other productions just to compare them to yours.
- You don't really compare. You just criticize a bit, then realize not to do this and that because they did it and it didn't work and... compare. :D

[ ] 19. You argue with your director about which play to do next.

[x] 20. You go see other productions and cringe when you see people that can’t act.
- I say "Oh no!" Cringe, close my eyes and whisper to myself "There's no place like home. There's no place like home!"

[x] 21. Homework? Never heard of it.
- Aaminin ko, maraming beses akong nakalimot gumawa ng takdang aralin. Pero nakakaya ko pa ring humabol. Siyempre!
 
[x] 22. You could easily set up a cot and live in the theater. You’re there all the time anyway.
- Papa: Nasan ka na?!? Gabi na a!
Ako: Nasa CCP/School/<insert rehearsal venue here>, di pa kami tapos
Papa: O sige ingat ka.

[x] 23. You dread the thought of having rehearsal, but the second you get there you don’t want to leave.
- Sometimes on my way to rehearsal I would think of quitting. But when I get there I realize that this is what I to do even if I won't get rich. Hahaha.

[x] 24. You meet someone from another theater and instantly become best friends.
- I met someone... Ahihihihi!

[x] 25. You beg all of your friends to come see you in the play when you are only onstage for two minutes.
- Or let them watch an R-18 play and tell them "wholesome ako dito!!"


[ ] 26. You have lost count on how many times you've died.
- Mulan - 1, Crucible - 1, R.U.R. - 1. Yun pa lang.

[x] 27. You don't think twice about seeing guys in make-up or tights.
- and men wearing t-backs.

[x] 28. You're in public and look like you're talking to yourself because you are reciting your monologue.
- Sa jeep, sa kainan, sa bahay, sa paaralan...

[x] 29. You are a techie and want to strangle the actors because you have their lines memorized better than they do.
- Pati blocking mali, kulang na lang ibato mo yung script. Pero siyempre di mo pwedeng gawin yun.

[ ] 30. You think Shakespeare was a genius but dread putting on one of his plays.

[x] 31. You know what Hell Week is.
- Mabuhay ang Hell Week

[x] 32. If you put on a musical, you randomly sing all the songs at any time of day even if it is a musical you hate.
- Tunay

[x] 33. Sleep? What is sleep?
- Nadulas? - hay naku Alvin! Ang corny. Pero natawa pa rin ako. Hahaha.

[ ] 34. Techies and actors don't understand each other, but they pretend that they do.


[x] 35. You swear like a sailor.
- Tuwing may prod ako, matindi ako magmura

[x] 36. You've been dubbed a "Stage Nazi" or a "Tech God."
- Agnoia

[x] 37. There's more drama backstage than there is onstage.
- "Hala si Roselyn tulog sa backstage!" - The Crucible production, 2001

"Asan na si Isab??" - Mulan prod, 2007

[ ] 38. Actors and techies argue about who has more work.


[x] 39. You're on your deathbed and miss school, but you somehow manage to go to rehearsal.
- Eh ganun e.

[x] 40. You quote lines from previous plays you've done when you have casual conversations with friends.
- Sabi nga sa Agnoia...

[x] 41. You suddenly realize that your entire wardrobe is black.
- Mainit nga lang.

[ ] 42. Theater sex. Enough said.
- May alam ako... pero hindi ako.

[x] 43. You know what spiking is, and it's not what you do to hair.
- Spike here, there..

[x] 44. You've been working with the same people so long that you have blackmail to last a lifetime.
- Morality clause!
 
[x]45. You've been injured so many times it's a miracle you're still alive.
- I am prone to sprains. My right leg still hasn't recovered from a stupid warm-up that I did last year.

[x] 46. Applause after a show is the best sound ever.
- Sigh.

[x]47. You have a sigh of relief when you are doing a comedy and you hear the audience laughing.
- Ah... tawa pa!


[x] 48. You can't remember what a home cooked meal tastes like, but you can remember every single way Taco Bell makes a taco or burrito.
- Tapsihan sa Vito Cruz, Inasal, Buff food, Jollibee na walang katapusan, biscuit na panglamay...
 
[x] 49. You know you're a theater guy when you can put on makeup better than half the girls in your school.
- May highlights pa ang drama para ma enhance ang cheekbones!

[x] 50. Modesty is long forgotten.
- Modest? hindi ba napkin yun

[x] 51. You pride yourself in how fast you can strip your clothes off and change costumes. (Or help people strip!)
- Dapat kalmado ka kahit sampung segundo lang ang pagitan ng pagbihis ng costume.

[x] 52. People who aren't in theater just aren't cool.
- Let me rephrase this. People who don't appreciate theater just aren't cool.



Total: 42/52


Plugging: Nuod kayo ng "Insiang". Magaling si Shing dun. Sa Sobrang galing di ko pa napanuod yung run nitong October.

Hindi nga. Maganda talaga yun!