Dahil nami-miss ko nang maglaro ng taguan at tumakbo ng mabilis para maunahan yung taya sa base at sabay sigaw ng "Save!", heto konting kwentuhan na walang patutunguhan. Sigurado ako.
Sa totoo lang, ayoko ng mga larong takbuhan dahil mabagal akong tumakbo. Pakiramdam ko nga mas mabilis pa ang mabilis kong lakad kaysa sa pinakamabilis kong takbo. Pero bihira lang akong nagtataya sa mga larong patintero, taguan, langit-lupa, monkey-monkey annabelle at pepsi-seven-up.
Siguro dahil nung bata ako, maliit ako at payatot kaya madaling sumiksik sa mga gilid-gilid. Naalala ko na may isang beses na inabot yung mga kalaro ko ng 30 minutes sa kakahanap sa akin sa isang maliit na bahay. Yun pala nasa ilalim lang ako ng mesa sa likod ng basurahan. Actually, hindi nila ako nahanap. Lumabas na lang ako dahil naiinip na ako sa pinagtataguan ko. Pagkatingin ko sa base, nagpa-panic na yung mga kalaro ko sa kakahanap sa akin. Yung taya, pinagpapawisan na. Yung hindi mga taya, nakikihanap na rin.
Pagdating sa larong patintero, ako yung laging pinapadaan lang nung tayang team. Ayaw nila akong tayain. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hirap silang abutin ako kahit nakatayo lanag ako sa gilid ng linya. Pero kami yung taya, nakakataya ako minsan lalo na kapag pwede yung "reaching" at "big step". Go flexibility. Hahaha.
Sa larong lagit-lupa, hindi ko na talaga maalala kung bakit ako hindi natataya. Pero na aalala kong natataya ako. Hahaha.
Sa pepsi-seven-up, lagi kasing may nauuna sa aking makahawak dun sa taya. Kaya tumatakbo na lang ako agad.
Yung monkey-monkey ang isa sa mga all-time favorites ko. Pwede rin yung isang version na Ice-Water. Gusto-gusto ko kasi yung kapag lahat naka-freeze na tapos paunahan kayong sisigaw ng "Viva!" sabay taas kamay na nakapeace sign.
Nakita ko kasing naglalaro yung pinsan at mga pamangkin ko ng taguan noong Linggo. Nakaka-inggit silang panuorin na pinoproblema lang nila ay kung kelan sila sasabihan ng mga nanay nila ng "Tama na ang laro, uuwi na tayo." Ang sarap pakinggan ng tawa nila kapag nahuli nila kung saan nakatago yung isa't isa.
Oh, to be really young... /buntong hininga/
-------------------------------
Sa dami ng mga pinapabasa...
...lalong lalabo ang mga mata ko this semester. Nakikini-kinita ko na.Patawad Mama at hindi ako kumakain ng mga gulay na sagana sa bitamina A.
-------------------------------
Manong forwarded me this link from Neil Gaiman's Official LJ community:
http://syndicated.livejournal.com/officialgaiman/413168.html
One of the best proposals ever...
Read the guy's entry first. Really awesome. Nakakabilib yung lalake na nagawa niyang itago sa girlfriend niya ang lahat nang iyun.
Forget sunsets. Forget romantic candle-lit dinners. Forget ring at the bottom of the girl's champagne. Forget ring inside the cake (I find this one disgusting!).
Get Neil Gaiman to propose for you!
P.S. I get all wooby-wooby inside when ever I see "Your boyfriend" in my Multiply Network. Hahaha! Girly-girl moments followed by a quick cringe.
Wala lang.
No comments:
Post a Comment