Monday, March 31, 2008
The Happy List
The rules are easy, just post 10 things that recently made you happy! Then tag 10 people and force them to post this on their blogs.
1. Driving around the city with Pol. Ako ang nag-drive, hindi si Pol. Hahaha.
2. Watching Pol perfom again.
3. Sleepovers.
4. Roadtrip with the Viva Hot ViCes
5. Intellectual conversations with friends
6. Getting that mango shake that I was craving for
7. Babuyan moments with Jaysil
8. Chatting with Jod
9. Not-so-intellectual conversations with the family
10. Funny Feelings!!!
Walang oras para maging malungkot. Mas mabuti pang maging masaya.
Monday, March 24, 2008
Zambales!!!
We went to this isolated beach where the water was clear. There was no bathroom. Yep. Kaya "one with nature" ang drama. Okay pa nung gabi, yung iihi ka lang diyan walang makakakita sayo. Pero nung umaga na, lahat kami nagtanong "San na ako iihi?"
Doon kami natulog. Ang lamig ng hangin. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi sa liwanag ng buwan. Ang isa pang maganda sa lugar na iyun, walang signal. Kaya walang istorbo. Ang sarap sobra.
Nuong Sabado naman, pumunta kami ng Crystal Beach Resort. Commercialized naman ang drama namin. Siguro, mas magugustuhan ko yung kung nagsu-surf ako. Eh kaso hindi.
Basta masaya ang road trip na ito. Salamat sa Jocson-Nafarette family sa pagpapakain sa amin at sa San Marcelino Experience. Salamat Eisa sa pag-imbita sa akin at sa mga kwentuhan/iyakan sa beach kasama ang sponsor na Cossack. Salamat kay Leeroy sa pagmamaneho ng walang reklamo. Salamat kay Anna Catams, Alison at Zha sa pagsama sa medyo biglaan na biyaheng ito. At sa iyo, sa pagtulog sa ilalim ng buwan.
Hindi na ako ganoon kaputi! nangitim na rin ako kahit papaano. Pero gusto ko pang mangitim. Kaya may part 2 ito.
Eisa, Alison, hinihintay kong ipost niyo yung ating mga hot hot pektyures! Viva Hot ViCe!
Wednesday, March 19, 2008
Out.
No more exams to take.
This semester has officially ended, for me anyway.
I'm off to Zambales with friends. I'll be back on Sunday. Wohoo!
When I come back, I have to face a very busy summer.
Hasta domingo mis chicas!
Tuesday, March 18, 2008
Yung kantang yun
Hanggang sa isang araw maririnig mo tapos tamang-tama na.
At tuwing maririning mo ulit yun, maaalala mo yung bawat detalye na binagayan ng kantang yun. Yung suot niya, yung suot mo, yung pinag-usapan niyo, yung hindi pinag-usapan. Yung ingay mga dumadaang sasakyan, yung sandaling katahimikan. Yung pakiramdam ng ihip ng hangin. Yung pakiramdam ng tiyan mo sa kaba. Yung takot kung sasabihin mo ba. Yung saya nung nasabi mo na. Yung saya nang marinig mo na.
Yung mga ganung bagay na hindi mo iisiping maaalala mo.
Tapos mapapangiti ka na lang sa kalagitnaan ng paglalakad sa mausok na kalye. Tapos kikiligin ka. Tapos masaya ka na ulit.
Friday, March 14, 2008
For SALE!!!!!! Clothes and Books!!
Mahilig ka ba sa libro??
Mahilig ka ba sa damit??
Aba, aba, ABA!
Gusto mo??
GUSTO MO!!!!
Kaya pumunta na sa kanyang multiply:
http://polthedestroyer.multiply.com/photos/album/21/SALE_CLOTHES_AND_BOOKS
Marami ka pang makikita doon. Dali!
Thursday, March 13, 2008
Manuod kayo: ALL I WANT
Dahil bugaw ako, iniimbitahan ko kayong manuod nito:
presents
ALL I WANT
Directed by JOY ALANO
Written by REN ROBLES
Nuod kayo! kitakits.
Wednesday, March 12, 2008
Additional Seven Deadly Sins
Lust, gluttony, greed and the rest of the seven deadly sins gathered in the 6th century will have to get used to a modern companion. A Vatican official has articulated seven new categories of sin “due to the phenomenon of globalization.”
“While sin used to concern mostly the individual, today it has mainly a social resonance,” Monsignor Gianfranco Girotti told L’Osservatore Romano, Vatican City’s local paper. Bloomberg News parsed his remarks into a clip-n-savable list:
1. “Bioethical” violations such as birth control
2. “Morally dubious” experiments such as stem cell research
3. Drug abuse
4. Polluting the environment
5. Contributing to widening divide between rich and poor
6. Excessive wealth
7. Creating poverty
The message, according to a leading scholar on Catholic thought talking to BBC News, was meant as a reality check to priests “not sufficiently attuned to some of the real evils in our world.” There is more to life than following the Ten Commandments, it would seem.
The seven deadly sins served another purpose, too: inspiring artists from Bosch to Balanchine. Can anyone picture a similar renaissance fueled by this new list. Or has it already happened?
Those who will rot in hell, raise your hand.
I understand sins 3 to 7, even if they are redundant. But what's with the "Bioethical violations such as birth control??
Ano, papalaganapin na lang natin ang STD? Hala, ipagkalat na ang AIDS, Syphylis, HPV at kung ano-ano pang sakit na hindi masaya kapag nakuha.
Hayaan na rin nating dumami pa ang populasyon ng mundo para lalo tayong mabaon sa kahirapan.
Pati ba naman "Stem Cell Research", MORALLY DUBIOUS EXPERIMENT?? Kung sa bagay, nadadaan naman sa dasal at himala ang lahat. Huwag na lang tayong mag-aral.
Lalo akong napapaisip sa relihiyon ko.
EDIT: This is not yet official. Pero kahit na. Mag-aaral na nga lang ako.
Sunday, March 9, 2008
"Man Is Condemned To Be Free" - Jean-Paul Sartre
hanggang sa makalimutan ang sarili.
I watched Chopsuey. Pretty interesting film. Balot si Piolo sa buong pelikula.
Bwiset na Kaklase
Friday ng Umaga, nagkita kaming magkaka-groupmates para sa paper namin
Ako: Kapag isesend niyo yung summary nung na research niyo, dapat naka word file. Tsaka dapat may proper referencing. Harvard style na sundan natin para madali.Hintayin ko email niyo. May tanung pa ba?
Paolo: Sige, Isabelle. Send ko na lang sa iyo. Yun pa rin email mo di ba?
Ako: Oo.
Kanina lang pagtingin ko ng email ko, may pinadala nga siya. Hindi naman naka word file. Nagcompose lang siya ng message at doon niya nilagay yung summary. Payag na sana ako e. Kaso walang references. Paano kung inembento lang pala niya yang impormasyon na yan??
Kaya nagtext ako.
Ako: Sabi ko dapat microsoft word na dapat na naka attach. At nasan yung sources mo?
Paolo: Sinummarize ko nalang yun! (Aba, may exclamation point pa siyang nalalaman! Siya pa yata yung galit)
Ako: Yun nga. Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? Dapat yung summary word file at may sources na nakalagay. (Siyempre nagpipigil pa ako)
Paolo: Sa yahoo at google ko lhat nakuha yun! (Galing talaga! Kumulo ang dugo ko.)
Ako: Hindi mo ba naiintindihan yung proper referencing na tinutukoy ko? Igoogle mo!
Hindi na nagreply. Sana nasa harap na siya ngayon ng computer at hinahanap yung sinasabi kong proper referencing.
At oo, ang pangalan niya ay PAOLO F. Bwiset. Ayoko nang ilagay yung apelyido niya. Kawawa naman mga kamag-anak niya kung sakaling ma-google.
Konting tiis na lang talaga.
Wednesday, March 5, 2008
Stage Fright
It was during our defense in a class. Ang pangit sobra. Ngayon ko lang naranasan yung nasusuka sa kaba. Eh wala naman akong kinain. Tapos, nanlalamig yung kamay ko nang sobra-sobra. Boses ko nanginginig. Kumusta naman.
Hindi ko alam kung dahil ba hindi pa ako kumakain at kulang ako sa tulog kung kaya't nagkaganito ako? Maari. Kakaloka.
I couldn't say one proper sentence. If there was a grammar nazi in class, he would have killed me. At some point, I kept blabbering hoping that I would make sense eventually. But I didn't. Pati ako hindi ko maintindihan yung sarili ko. Ano ba naman yun! Hahahaha.
It was weird. So funneh to da haha.
Baka nga gutom lang ako nun kaya ako nagkaganun.