Ako kapag nabibwiset at hindi ko sinasabi kung sino yung taong yun. Pero ito talaga ibang level na. Hindi ko maintindihan kung mahina lang talaga utak niya o hindi maayos yung pagkakasabi ko ng dapat gawin. Siguro yung una, kasi naintindhihan naman nung iba yung sinabi ko.
Friday ng Umaga, nagkita kaming magkaka-groupmates para sa paper namin
Ako: Kapag isesend niyo yung summary nung na research niyo, dapat naka word file. Tsaka dapat may proper referencing. Harvard style na sundan natin para madali.Hintayin ko email niyo. May tanung pa ba?
Paolo: Sige, Isabelle. Send ko na lang sa iyo. Yun pa rin email mo di ba?
Ako: Oo.
Kanina lang pagtingin ko ng email ko, may pinadala nga siya. Hindi naman naka word file. Nagcompose lang siya ng message at doon niya nilagay yung summary. Payag na sana ako e. Kaso walang references. Paano kung inembento lang pala niya yang impormasyon na yan??
Kaya nagtext ako.
Ako: Sabi ko dapat microsoft word na dapat na naka attach. At nasan yung sources mo?
Paolo: Sinummarize ko nalang yun! (Aba, may exclamation point pa siyang nalalaman! Siya pa yata yung galit)
Ako: Yun nga. Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko? Dapat yung summary word file at may sources na nakalagay. (Siyempre nagpipigil pa ako)
Paolo: Sa yahoo at google ko lhat nakuha yun! (Galing talaga! Kumulo ang dugo ko.)
Ako: Hindi mo ba naiintindihan yung proper referencing na tinutukoy ko? Igoogle mo!
Hindi na nagreply. Sana nasa harap na siya ngayon ng computer at hinahanap yung sinasabi kong proper referencing.
At oo, ang pangalan niya ay PAOLO F. Bwiset. Ayoko nang ilagay yung apelyido niya. Kawawa naman mga kamag-anak niya kung sakaling ma-google.
Konting tiis na lang talaga.
No comments:
Post a Comment