Finally, after so many years, I was able to go a beach. I couldn't even remember the last time I went to the beach prior to the Zambales trip.
We went to this isolated beach where the water was clear. There was no bathroom. Yep. Kaya "one with nature" ang drama. Okay pa nung gabi, yung iihi ka lang diyan walang makakakita sayo. Pero nung umaga na, lahat kami nagtanong "San na ako iihi?"
Doon kami natulog. Ang lamig ng hangin. Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi sa liwanag ng buwan. Ang isa pang maganda sa lugar na iyun, walang signal. Kaya walang istorbo. Ang sarap sobra.
Nuong Sabado naman, pumunta kami ng Crystal Beach Resort. Commercialized naman ang drama namin. Siguro, mas magugustuhan ko yung kung nagsu-surf ako. Eh kaso hindi.
Basta masaya ang road trip na ito. Salamat sa Jocson-Nafarette family sa pagpapakain sa amin at sa San Marcelino Experience. Salamat Eisa sa pag-imbita sa akin at sa mga kwentuhan/iyakan sa beach kasama ang sponsor na Cossack. Salamat kay Leeroy sa pagmamaneho ng walang reklamo. Salamat kay Anna Catams, Alison at Zha sa pagsama sa medyo biglaan na biyaheng ito. At sa iyo, sa pagtulog sa ilalim ng buwan.
Hindi na ako ganoon kaputi! nangitim na rin ako kahit papaano. Pero gusto ko pang mangitim. Kaya may part 2 ito.
Eisa, Alison, hinihintay kong ipost niyo yung ating mga hot hot pektyures! Viva Hot ViCe!
syet.nasa zambales din ako ng mga saktong panahon na to.dapat pala nagtext ako kay eisa.haha.zambales isdabam!
ReplyDeletesa wakas..!
ReplyDeleteSayang. Sana sumama ka na rin sa amin. Hahaha. Itisdabam!
ReplyDeleteKapag nag picture tayo, hindi na magkukulay green ang mukha ko sa puti. Hahaha.
ReplyDeleteate saan mismosa zambales tong isolated beach na to?
ReplyDelete