Saturday, August 16, 2008

Patabaing Baboy

Ngayon lang nangyari ito. Naubos ko yung allowance ko nang di pa natatapos ang linggo. Buti sana kung marami akong pina photocopy dahil malapit na ang midterms. Buti sana kung may binili akong mapapakinabangan ko. Buti sana kung bumili ako ng damit o di kaya underwear dahil medyo kelangan ko na ng mga bago. Buti sana kung gabi-gabi ako gumala o di kaya nakipag-inuman.

Pero hindi. Hindi ganun ang nangyari. Siguro lahat ng pinakopya ko sa linggong ito ay di pa umaabot ng P20. At wala akong binili na mapapakinabangan. Ang suot kong mga damit ay yun pa rin. Ang pinaka "gala" ko ngayong linggo ay yung nakipaghapunan ako kasama ang mga Mapua students ni Jk.

Saan napunta ang allowance ko? Sa pagkain.

Buti sana kung hindi ako nakakain sa bahay. Pero hindi e. Lagi na lang, sa kalagitnaan ng klase ko, lalabas ako para mag-cr tapos diretso sa canteen para bumili ng kung ano-ano. Madalas ensaymada o di kaya kung anik-anik na chichirya. Parang naparami din ang kain ko sa McDo. Hayayayayayayay.

Maliban pa sa pag-ubos ko ng allowance sa pagkain. Pagdating ko dito sa bahay, kakain pa ulit ako. Pagkatapos kumain ng hapunan, maya-maya bababa na ako para magtoast ng tinapay sabay salpak ng Chizwiz o di kaya butter.

Parang lagi na lang akong gutom.

Noong isang gabi, pumunta kami ng lamay ng isang kamag-anak. Ang ginawa ko pagkatapos makipagbeso-beso ay kumuha ng plato at pumwesto sa harap ng MGA pagkain. May kutsinta, spaghetti, cake, puto at kung ano-ano pa. Ang masaklap pa, nanay ko doon din pumwesto kasama ang ibang kamag-anak. Kaya ayun, hindi na ako maka-alis. Lalo lang akong napakain.

Nararamdaman ko nang bumibigat katawan ko. Natatakot akong magsuot ng fitted na pantalon dahil baka hindi masara. Hahaha.

Siguro nga stress lang ito, level 1. Next week kapag lumala ang stress, hindi na ako kakain.

Hinihingal na ako sa kakakain. At parang gutom na naman ako.

4 comments:

  1. May mga moments talagang wala kang ginawa kungdi kumain. Ako hindi talaga ako nagtitipid sa pagkain. Mahalaga ang mabusog at matuwa sa kabusugan! Hahaha! Atsaka, as if Isab! Hindi ka naman tumataba ano! Gorgeous ka pa rin kahit mahilig kang mag-binge. Nga lang, kung gusto mo talaga maging healthy, kahit wala kang tigil sa kakakain, iwasan ang chichirya at McDo. Siguro sa isang taon 1 beses lang ako kumakain ng McDo. Well, galit kasi si Rich sa McDo, saka ang Brasiliana kong bestfriend. Napanood mo na ba ang Supersize Me na docu?

    ReplyDelete
  2. Yeah. Hahaha. Pero it doesn't stop me from eating fast food junk. Pero ngayon, mas kontrolado na ako kumain. Naawa ako sa tiyan ko.

    ReplyDelete