My Saturday morning was dedicated (naks! "dedicated") to Oyens' first day of ballet class.
Kung ang nanay ko ay dakilang stage mother, ako naman ay isang stage ate. Matagal ko nang kinukulit ang mga magulang niya na i-enroll siya sa ballet. Effort talaga ako dahil tuwing may brochure Dance School akong nakikita talagang kumukuha ako para ibigay sa kanila.
At first her parents were hesitant of enrolling her because they're always busy and they won't be able to take her to her lessons. OA kasi ang extra curricular activities nila. Halos araw-araw silang may keme. They also thought that ballet lessons would be expensive. After getting all the information from Mika Fabs (thanks again!), I told mother dearest about it and she convinced my aunt to enroll her this weekend.
Of course, Oyens was excited. Ever since seeing Candice in Snow White last season, all she wanted to do was dance.
Ayun na, i-enroll na nga daw. Basta ako daw ang magdala sa kanya. Hindi lang sa unang pasok, pero sa BAWAT Sabado. Pumayag na lang ako para matuloy na. Pero hindi ako sigurado kung kakayanin ko ngang dalhin siya sa CCP BAWAT Sabado.
Anyway, she woke up really early on Saturday morning. After her mom gave me the cash for enrollment, she made a side comment that lessons are expensive. Napamahal sila dahil nagdemand ako ng baon. Hahahaha.
When we got to CCP, she suddenly got scared. Ayaw na niya bigla. So I had to convince her and finally bribed her by buying her ice cream.
Hanggang sa okay na siya, noong pagpasok niya ng classroom, masaya na siya. Nakita na niya yung mga classmates niya na kasing edad. Ayun, takbo-takbo na siya sa lood ng studio.
Since I promised her that I'll stay by the door, I had no choice but wait with other moms and yayas. My gulay. First time! Hindi ako napagkamalang high school! Napagkamalan akong nanay. Wahahaha. Heto ang eksena:
Nanay: ilang taon na yung anak mo? Anak mo ba yun?
Ako: Ay. Hindi ho! Pinsan ko.
Nanay: Kaya naman pala, kanina pa kita tinitignan, parang ang bata mo kasi para maging nanay. Ilang taon ka na ba?
Ako: 21 ho, at wala pa ho akong balak magka-anak
Nanay: Tama yan. Sorry ha. Pero alam mo kasi may mga 15 year old na nabubuntis di ba? Napanood mo ba iyun sa tv?
Yaya: Ay napanood ko yun. Pero mahirap nga naman talaga na maging nanay na bata ka...
Hanggang sa pinag-usapan na nila ang pag-aasawa. At ako naman, lumipad na utak ko. Paglingon ko, may poster ng audition sa PHSA. At may picture kami doon! Winner! Hahaha. Cast ng Hatol ng Guhit na Bilog with Ms. Shamaine sa NAC theater.
Paglabas ni Oyens, ang unang sabi niya "Ate, nakita mo yun! Hindi ako natakot! Ang galing ko, di ba?" Kumain kami sa Jollibee at nag-iikot sa CCP habang naghihintay ng sundo.
While waiting at the LT lobby, Oyens took this
Natuwa ako. Ang galing. Hahaha. At demanding siyang photographer, gusto niya tumayo ako. Pero sobrang pagod na ako sa kakahabol sa kanya. Kulang kasi ako sa tulog at siya naman nagtatakbo sa CR ng LT.
Masaya naman ang umaga namin kahit wala na akong ginawa pagka-uwi sa pagod. Siya rin knock out. Hindi ko lang alam kung ako pa rin magdadala sa kanya sa susunod na Sabado.
Sa sobrang tuwa niya, sabi nya sa akin kagabi "Bukas, punta ulit tayo sa ballet." Ipinaliwanag ko pa sa kanya na kelangan niyang maghintay ng six days bago bumalik. Hahahaha.
At diyan nagtatapos ang aking kuwento. Ngayon susubukan ko nang maging mabuti mag-aaral. Bwahahahahahahahaha!
MOMMY ISAB!!!
ReplyDeleteDapat ba akong ma-insulto na napagkamalan akong nanay? Hahahaha.
ReplyDeletenanay ka daw?? =))
ReplyDeleteHahahaha. Natawa talaga ako doon. Stage mothers and their comments. Hahaha.
ReplyDelete