Nakakatawang nakakaloka, naki-Penguin ang mga magulang ko.
Nagsimula ang gabi na kasama ko sina Alison at Oliver (from Cleveland!) mula sa Scout Tuason hanggang Malate. Pagkatapos naming kumain, tumuloy na kami ng Penguin kung saan may tugtog ang Makiling Ensemble at Hemp Republic.
Mayamaya, may nakita akong mamang puti ang buhok na mukhang pamilyar at baka nga siya yung tito ko. Kaya nagtext ako sa tatay ko kung nasan ba yung tito kog yun. Sinabihan ako ng na kung nasa Penguin ako, malamang si Tito Nune nga yun.
Dumating sina Kat, sinundan nina Nar. Tapos ang dami na naming Ibarang doon. Hangsayah.
Noong lumabas siya, nilapitan ko siya. At siya nga yun! Hello hello. Kamustahan sandali. Tinext ko si father dearest nga siya yun.
Pagdating ng ala una, dumating si Papa, Mama at yung isa ko pang tito. At nakipagkamustahan siya kay Tito Nune. Medyo nagulat na lang ang mga tao na nandun tatay ko. Haha. Yung iba nga, medyo tinago yung mga iniinom nila. Hahahaha. Nahiya daw. Di nagtagal, nakikihappy-happy na ang tatay ko.
Noong pauwi na kami, nakuwento ni Papa na dinadala na pala siya noon doon ni Tito Nune sa Penguin. Pero first time lang niya pumunta na weekend.
Si Mama naman nagcomment "I like it there." Naku, mukhang sasama sila ulit kapag pumunta ako doon.
Bonding in Penguin with the family, saan ka pa!
Buti na lang nakahiwalay silang table.
aahhh.di na kami nakahabol! haha
ReplyDeleteHahahaha. Oo nga. napunta daw kayo sa isang gay concert.
ReplyDeletehahaha.something like that..haha.kala kasi namin paalis na kayo nung dumating ang folks mo,kaya di na rin kami nagpunta.sayang! owel.hehe
ReplyDeleteHahaha. Umabot kami ng alas dos dun. Wala pa nga yata silang balak umuwi kung di ko lang niyaya.
ReplyDeletehaha.talagang ikaw pa yung naunang sumuko ah! haha.kulit ng folks mo! hehe
ReplyDeleteInantok na ako. Haha. Yun lang yun.
ReplyDeletehaha.well,di na rin yata namin talaga kayo maabutan.dahil mga 2 umalis na rin kami ng blue wave.sa susunod,sa susunod.hehe
ReplyDeleteYes! Sa susunod!
ReplyDeletei wish i was there... eh di sana hindi ako nabaliw kagabi...
ReplyDeleteNins, sa friday. You want? C'mon.
ReplyDeleteTsk, tsk... bawal ka nang magloko! Nyaha.
ReplyDeletehayy.. may isang taong sobrang pilit na hindi na napunta. torn between places! nyahahaha. na-sad tuloy si isab. harhar :-D biro lang isaaabbb!!!!
ReplyDeleteHahahaha. Pwede pa rin. Wala lang pakialamanan. Hahaha.
ReplyDeleteHay naku Alison!!!. Yun lang ang masasabi ko. Hahaha.
ReplyDelete