Parang hindi ako pwedeng iwanan mag-isa nang walang ginagawa. Dahil napapaisip lang ako ng mga bagay na hindi ko gustong isipin, mga bagay na magpapalungkot lamang sa akin.
Sa totoo lang, ayoko na ng ganitong pakiramdam. Mabigat. Parang may naka-ipit sa lalamunan ko na hindi ko mailabas.
Gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero alam kong hindi ito mawawala ng basta-basta. Ako lang din naman ang makapag-papaalis ng kalungkutang ito. Ako lang din naman ang solusyon sa nararamdaman ko.
Kailangan ko lang masanay ulit na maging mag-isa sa mga maraming bagay. Kailangan kong muling matutunan sumakay ng bus mag-isa. Kailangan kong maalala kung gaano kasaya ang buhay na wala siya. Kailangan kong maging matatag, dahil ganun naman talaga ako, di ba?
Mahirap, pero ganito talaga. Wala namang nagsabi na madali ang mga ganito pangyayari. Wala namang nagsabi na madaling magsabi ng "Paalam".
Paalam.
Paalam.
Hanggang sa muli. Kung kailan man ang muling iyun.
Magiging maayos din ang lahat.
i can relate@ hahahhah I think@
ReplyDeleteSige, relate lang. Kwentuhan tayo sa party ni JK.
ReplyDelete