Tuesday, May 29, 2007

The Oh-So- Spontaneous Trip of ViCe

   Pasensiya at mahaba. Sobrang detalyado. Inabot ng tiyaga. Yan kasi nagdrinking spree.

     April pa lang nag plano na si Nina na pumunta ng Zambales ang ever beloved high school batchmates. Tapos, ang huling usapan ay magkikita sa House of Decadence ng May 26, 8pm. Babalik ng May 28 ng umaga.

    Heto na. Papalapit na ng papalapit ang araw na yon. Ako, talagang sabik na sabik dahil matagal na nga akong hindi nakakapuntang beach (ang lungkot ko).

    At dumating na nga ang araw ng pag-alis.

    May 26, Saturday:
       12:00pm - Paggising ko (na meron pang konting tama mula sa party na pinuntahan) nakatanggap ako ng 5 mensahe. Dalawa galing sa Smart. Isa kay Alison na nagtatanong kung natanggap ko ba yung bad news ni JK. Ano daw? Siyempre, hilo-hilo pa ako. Saka ko binasa yung dalawang text ni JK.
      
       Yun nga, may kaganapang pampamilya si Eisa kaya hindi matutuloy ang Zambales. Pero mag-iisp pa daw ng Plan B. Ang sunod niyang text ay kung pwede ba daw sa hot spring na lang sa Laguna. Ang lungkot naman, hot spring lang ang pupuntahan....

       At dahil nga may pagpaplano pang gagawin, eh di na impake pa rin ako. Gusto ko talagang umalis eh.

        3:00pm - Nagtext si Nina na tuloy ang kasiyahan sa Matimtiman. Mag paparty pa rin. At gagawa ng Plan B.

        6:00pm - Sinundo ko si Alison sa Burgundy at pumunta kami ng Matimtiman. Pareho kaming may dalang damit. Papunta dun, sinabi na ni Alison na baka pwedeng pumunta na lang kami ng Lucena at swimming sa Lucban yun nga lang pool. Bahala na.

        8:00pm - Ako, si Alyx, Nina at Alison ay medyo nagugulat at kumakain kami ng matino sa mesa. Tumatanda na tayo kaya gumagamit na tayo ng mesa. Hahaha. Maya-maya dumating si JV. Tawanan at inuman ang nangyari. Siyempre nandun ang Punyeta.

        12:00 am - Hinatid namin ni Alison si JV sa labas. Hinintay naming makasakay ng taxi. Habang naglalakd kami ni Alison pabalik ng bahay, napagusapan ulit namin ang Pagpunta ng Lucena. Pag pasok ng bahay, biglang sinabi namin kay Nina na pupunta tayong Lucena.
   
       Heto na! Niyaya namin ang kung sino mang pwedeng mayaya. At ang sasama: JK, JV, Alison, Nina at ako.

       Ang plano: aalis ng 5:30am sa bahay, sasakay sa 6am bus sa Cubao.

       Hindi na kami natulog, umidlip lang sandali sa sobrang chikahan at excitement.

     May 27, Sunday:
       6:00am - Dumating na JV, ready to go. Maya-maya sumakay na kaming lima sa taxi papuntang Cubao. Sumakay ng bus papuntang Lucena. At naisipang itext si Tikyo (na taga San Pablo) na sumama sa amin. Pagkatapos magbayad natulog na kami.

       8:30am - Nagising ako at nakitang si JV may kausap sa celphone. Si Tikyo na pala. Pagtingin ko sa celphone ko, may tatlong text galing kay Tikyo nagtatanong kung sino-sino kami. Dahil nga tulog ako, hindi ako nakasagot.

       Maya-maya sinalubong ni Tikyo ang bus na sinasakyan namin at agad sumakay.

       10:00am - nakarating na kami sa Lucena Grand Terminal. Sumakay ng jeep papuntang bahay nina Alison. Kumatok kay Tita Alice at sinalakay ang kwarto ni Alison. Pahinga muna kami habang hinahanda ang pagkain. Wala pa kaming mga tulog at ligo na rin (maliban sa tatlong lalake, hahahaha). Kumain kami ng tanghalian, naligo ang mga di pa naliligo.

       1:00pm - Sumakay kami ng kotse na minaneho ni Alison. Si Alison! nagmamaneho. Ninerbyos naman si Nina. Papunta na kaming Batis Aramin sa Lucban. Ang Saya!!! Heto na 'toh!  Nakita rin namin ang isang sign board na may nakalagay nag "Kamay ni Hesus". Ang saya talaga.

       Dahil sa powers ni Tita Alice, pinag-reserve na niya kami ng isang cottage. Kaya hayun. Palit kami agad at lumusong sa pool. Si Nina na ayaw magpaitim nagbantay na lang ng mga bag namin habang nanunuod ng DVD sa Mac ni JK. Dahil dun, tinawag namin siyang Yaya.

       Gusto talaga naming magpa-itim. Kaya habang ang ibang mga tao ay nagpapasilong, kaming lima ay humilata sa arawan. At may choreography pa ang pag-ikot namin para pantay ang pag-itim. Grabe, medyo matagal-tagal pa bago ako maging nognog ng tuluyan.

       3:00 pm or 4:00pm - Kumukulimlim na. Kaya napag-isipan na naming magbihis na at bumalik ng bahay. Maputla pa rin ako. Badtrip.

          Pagbalik namin, umidlip muna kami saglit dahil meron daw pakain sa kapitbahay ni Alison. Ang saya talaga, kain lang kami ng kain.

       6:30pm - Tumungo kami sa kapitbahay ni Alison lumamon. Ang daming pagkain. Pancit, cake, leche flan, manok, salad, at kung ano-ano pa. Pinapapabalik pa kami. Doon din napagplanuhan na dadaan kami sa bahay ni Tikyo sa San Pablo para mananghalian. Hahaha Food trip.

       Pagkatapos kumain, hinatid kami ni Tita Alice sa bayan dahil nga gusto naming magvideoke. Dahil fiesta, sarado ang ibang daan kaya naglakad na lang kami  at naghanap ng videokehan.

       Meron nga kaming nahanap pero nakakatakot tumuloy. Kaya balik kami dun sa isang bar kung saan kami lang ang tao. Nagtawanan, inuman, tawanan ulit.

       11:00pm - Sumakay na kami ng tricycle pabalik sa bahay. Lahat naman masaya. Tawanan ulit, bukingan at kwentuhan. Mga 12:30 tulog na kami.


      May 28, Monday:
         8:30am - Gising na!!! Kumain kami ng almusal, naligo at pinagplanuhang pumunta ng Trinoma para magpicture-picture pa. Hahaha. Ayoko na ng sumama dahila na isip ko na mapapalayo lang ako. Tapos bigla naming na alala na may exhibit pala si Eisa ngayon.

          11:00am - Habang naglalakad kami palabas ng village, bigla kong naisip na dumaan na lang kami ng bahay namin para magmerienda. At go na go din naman sila.

          Sumakay kami ng bus papuntang San Pablo at natulog ulit.

          1:00pm - Nakarating na kami ng San Pablo. Sa bahay nina Tikyo meron golden retriever na kakulay ng buhok ni JK. Picture! Kain na naman kami. Kwentuhan pa rin. Hindi na natapos. Unti-unti na rin kumukulimlim.

          2:00pm - Habang nag-aabang ng bus, biglang bumuhos na ang ulan ng tuluyan. Sakay kami agad. Nagpaalam kay Tikyo.

          4:00pm - Balik Maynila. Pakiramdam namin ang tagal naming nawala. Hahahaha. Sumakay kami ng jeep papuntang bahay. Pahinga konti habang Nagluluto pa si Mama.

          Kumain kami ng club sandwich na sobrang nakakabusog. Tawanan ulit.
         
          5:15pm - Umalis kami ng bahay at tumungo ng Kamuning para sa exhibit ni Eisa. Siyempre dapat magpakita ng suporta.

          Pagdating namin dun, dahil nga opening, mag pagkain kaya kumain na naman kami. Nagkwento kay Leeroy at Eisa kung san kami nakarating. At nagplano na kung saan naman pupunta sa sususnod. Baguio daw.

          8:00pm - Dito na magatatapos ang matinding biyahe namin. Naghiwa-hiwalay na kami pauwi sa kanya-kanyang bahay.

          Sa susunod, mas bongga at mas malayo ang pupuntahan. Bwahahaha.

4 comments:

  1. ako magsusupply ng juicy nuances ng trip! maraming salamat mga cheng! nabuhayan ako at nawsiyahan nang todo-todo!

    ReplyDelete
  2. ako rin naman. refreshing talaga ang trip na iyun.

    ReplyDelete
  3. true! winner ang trip nating yan! walang nakaktalo! whats next!

    ReplyDelete