Tuesday, May 22, 2007

isa na namang pagsasalaysay na siguradong walang patutunguhan

    Minsan hindi ko maintindihan ang mga magulang ko. Ang pamilya ko. Nakakaloka sila. At magkadugo kaming lahat. Ako rin kaya hindi nila naiintindihan?

    Magkaiba talaga ang patakaran ng mga magulang sa mga anak na babae at anak na lalake. Ano ba yan. Akala ko pumanaw na ang pag-iisip na ganito.

    Sinusubukan kong matulog ng maaga para muling matutong gumising ng maaga dahil pagdating ng pasukan merong dalawang araw na 8:30 ng umaga ang pasok ko. At sa ilang beses kong sinubukan, ilang beses na rin akong pumalya. Nakakatawa.

    Muntikan ko nang matapon ang salamin ko. Na okaylang din naman dahil bibilhan daw ako ng bagong salamin. Bakit ba kasi ako nagkaroon ng  astigmatism? Sabi nila dahil astig daw. Anuh daw!!!!

    Sana matuloy kami ng kuya ko sa biyernes. Para naman maranasan kong malibre niya. hahaha.

    May kwenta ba? Wala na yata ako sa matinong pag-iisip. Kawawa naman ang mundo. Hahaha.

    Itawa na lang natin ang problema.

4 comments:

  1. Dear, c'est la vie. That's life. Even if women and men are not supposedly equals, we are still not the same as them. It's a global issue. More so it's engraved in the Filipino culture. Okies? Relax ka lang. H'wag kang mainip. Once you get your own place and work, you can do pretty much what you want. But then warning, mom's give the best advice. Well in my case, my mom gave me the best advices ever.

    ReplyDelete
  2. wag kang maniwala sa nag-advise sa iyo sa taas, cheng, cultural ang pag-aatas ng gender roles at di mo yan kailangan tanggapin dahil lang sa bahagi ka ng kulturang mapanupil! minsan, nagiging masmatalino lang tayo sa ating mga magulang at di kaya sila nathrethreaten? they don't really give the best advises, pinapattern lang nila tayo sa kanilang mga sarili upang tayo'y tumila kasama nila. hmmm.

    kaya mag-ipon ka na, huwag umasa at boom! maging malaya!

    o di naloka ka

    ReplyDelete
  3. Salamat Ate Ve. Hope to see you soon. Na miss ka namin nung summer prod. :)

    ReplyDelete
  4. hindi naman. Somewhat contradicting nga ang advise niyo pero hindi rin totally. Hahaha. Kaya raket pa diyan! para makapag-ipon na ng tuluyan.

    ReplyDelete