Wednesday, January 31, 2007

Maglakad nang Mag-isa

    Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon, minsan (o madalas) kinabukasan pa ako mapapaisip tungkol sa mga nangyari. Late reaction kumbaga.

    Ewan ko ba. Tuwing may dramatic moment sa buhay ko, bigla na lang ang dami kong dapat gawin. Kaya minsan, nakakalimutan kong magalit o malungkot o maging masaya dahil sa mga dapat gawin. At kapag nagkakaroon ng pagkakataon para magpahinga, hayan biglang bubuhos ang kung anu-anong emosyon. Nakakaloka. Bigla na lang akong nag-senti mode. Di naman dapat.
----------------------------------------------

    Mahilig akong maglakad. Walang bayad. Mas marami ka pang makikita, maririnig at naamoy.

    Madalas akong gumagawa ng mga monolouges kapag naglalakad. At madalas din na nahuhuli ko ang sarili kong lumalakas ang boses habang kausap ang sarili. Nakakahiya minsan, pero ano ngayon. Malamang hindi ko na makikita pa yung ale na masama ang tingin sa akin dahil nakikipag-usap ako sa wala.

    Isang mahalagang bagay na natutunan ko sa Makiling, ang maglakad.

------------------------------------------------

    Dahil hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o kung dapat bang wala akong gawin, kumakain ako. Huling-huli ako. Stress-eating. Hindi ko pa inaamin kanina nung sabihan ako ni Lorraine. Pero heto na, aaminin ko na. Hindi ako gutom pero kakakain ako.

    Kasi naman, pilit ko pang hinahanap ng ibang meaning yung sinasabi niya. Isabelle, ganyan talaga. Heto na ang katotohanan, may magagawa ka pa ba?

------------------------------------------------
    I am 20 years and 10 days old. My father is 42 years and 3 days old. I'm no longer a teen, according to my age.


No comments:

Post a Comment