Saturday, May 2, 2009

Pasensiya Patience

Nakakatuwang isipin na ang salitang "pasensiya" ay may dalawang kahulugan, "patience" at "sorry". Dahil ba na kapag nauubusan ka ng pasensiya sa isang tao at bigla kang pumutok, sasabihin mo na lang na "pasensiya".

Noong nakaraang taon, nagugulat si Jk kapag bigla akong nagkukuwento kung paano ako naubusan ng pasensiya sa isang tao o kaganapan. Dahil para sa kanya, isa ako sa mga pinakamatindi ang pasensiya. Na totoo naman siguro.

Hindi ako napipikon agad. Kaya kong ngitian na lang ang mga problema. Bihira akong nagagalit. Bihira rin akong nakakaramdam ng galit. Mabilis din mawala ang galit ko. Kamakailan lang din naman ako natuto talagang magalit.

Ewan ko ba. Pero parang nitong mga nakaraang linggo, nararamdaman ko na mabilis akong nauubusan ng pasensiya. Nanahimik na lang ako o di kaya kinikimkim ang nararamdaman hanggang sa mayroon na akong pwedeng mapagkwentuhan. Ganun lang naman ako, kelangan ko lang ikwento ang sama ng loob ko at agad din naman nawawala ang lahat.

Pero ngayon, hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang mga kinikimkim ko. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang inis na nararamdaman ko.

Somehow, patience is not my virtue again.

Siguro dahil nararamdaman ko na hindi ko masabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin na parang hindi naman yata tama na ako lang ang dapat mag-adapt sa nangyayari. Alam ko naman na ginagawa ko ang dapat kong gawin. Pero parang ang nangyayari, tinatanggap ko na lang ang kung anomang naririnig ko at sasabihing "oo nga, mali ako". Kahit alam ko na minsan, kayabangan lang din naman ang umiiral sa iba.

Oh well, George Orwell. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil pakiramdam ko ang dugyot-dugyot ko. Ang labo, wala naman talagang kinalaman yun sa pagkadugyot ko. Hahaha.

O dahil siguro masyado pa rin akong mabait para ipagsigawan talaga ang nararamdaman ko at ayokong makasakit ng iba.


Pasensiya na lang at nauubusan ako ng pasensiya.

7 comments:

  1. Isab, it is interesting that pasensiya could mean two things separate things! I things work out for you, para di ka na hingan ng pasensiya! :)

    ReplyDelete
  2. te issa, may i use the same title?, gawa din ako ng blog xe mejo related dito ung something sakin ngaun eh...

    ReplyDelete
  3. As long as you acknowledge that you got the title from me.

    ReplyDelete
  4. hmmm.. sab r u okay? u can talk to me..

    ReplyDelete
  5. sure! un pu talaga gagawin ko....tnx po...

    ReplyDelete
  6. Currently okay. Mga late night/really early morning ramblings ko. Yung tipong kinabukasan, okay na ulit. Sasabihin ko sayo kapag naramdaman ko ulit. :)

    ReplyDelete