Sunday, May 31, 2009

Catharsis

I felt stuck. I felt pretentious and mediocre.

It was very frustrating because I was keeping everything to myself. Yet, I was not aware that I had all these bottled up inside. It was like a flesh eating disease consuming me from the inside without me knowing but still affecting everything that I did. After some point, I wanted to talk to people how I was feeling but I did not want to be a burden to anyone knowing that they were feeling stressed with everything that was going on.

Then there came a time that I felt nothing right when I needed to feel everything. It scared me because I did not know what to do.

Until this morning, out of nowhere, I was able to release what I have been keeping inside me. All of my frustrations out in the open. I was allowed to cry until there were no more tears to cry. As I let my tired body release the toxic feeling that have been torturing me for the past month, I was comforted by some of my closest friends.

Finally, catharsis.


Sila na alam kong hindi ako iiwan kahit pagbalibaliktarin ang langit, lupa at impyerno. Sila na handang magbigay ng yakap kahit hindi hinihingi. Sila na tanggap ang lahat ng pagkakamali ko at lahat ng mali sa akin. Hindi man ako maligo ng isang linggo, sila ang unang magsasabi na mabaho ako pero mamahalin pa rin ako. Sila na mga alibi ko kung kailangan. Mag-iba man ako ng buhok, pananamit, ilong, trabaho at mangingibig, alam kong hindi nila ako iiwanan ng basta-basta.

Maliban na lang siguro kung sinulot ko yung jowa nila na inibig ng sobra sobra. Pero ibang kuwento na iyun.


Dahil magsasampung taon na tayong magkakakilala bukas (maliban kay Eisa na nung Prep ko pa nakilala). Hindi ba kay galing kung paano tayo pinagsama-sama sa isang bundok sampung taon ang nakalilipas?


Mahal ko kayo ng walang humpay.

Tuesday, May 26, 2009

Habang Minumura ng Tag-init ang Tag-ulan...

minumura ko naman ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi puso ang masakit kundi ang ngipin ko. Ngayon ko lang ulit maranasan ang umiiyak habang tumatawa. Umiiyak ako sa sakit pero natatawa ako dahil para akong tanga nakaupo sa harap ng dentista umuungol na parang nanganganak. Ang nanay ko tuloy, napapasok sa lakas ng ungol ko. Kaya noong mabunot yung ngipin, ang sabi ng dentista "Mommy, lola na kayo, lalaki!" Bwiset di ba! Pero natawa na lang ako. Siguro nahiya rin ako sa dentista na umiiyak ako sa sakit kaya ako natawa.

Ngayon, masakit ang tinahi. Lalong masakit noong hinihila yung ngipin. Pinangalanan ko na siyang Impakta. At pinauwi pa sa akin ng dentista para remembrance daw. Ang sweet di ba!


-------------------------
At ngayon heto na. Natapos na naman ang isang produksyon. May isang linggo ang akong pahinga bago magsimula na naman ang isa pa. Talagang gusto kong magkaroon ng perfect attendance sa VLF.

Naalala ko noong tinawagan ko ni Herbie para sumali sa unang labfest. Ang sabi niya lang sa akin "I have this small role for you". At gusto niya ako kunin dahil nakapagsasalita ako ng Ilonggo. Hindi niya naman sinabi na may kama sutra pala yung role na ibibigay niya sa akin. Ang saya. Naloka ako. Pero mas naloka ang nanay ko at kuya ko nuong mapanuod nila. Wala pang bayad ng mga tao noon sa labfest. Biskwit at kape lang ang meron kami. Pero masaya. Lalong masaya nuong na re-stage kami at nanuod ang tatay ko. Inabangan ng lahat kung ano ang magiging reaksyon niya. Proud si Papa. Kinongrats ako pati si Kuya Noel. Panalo yun!

----------------------------
Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong pasalamatan. Pero parang hindi maayos ang pag-iisip ko ngayon para isulat ang lahat. Siguro dahil umiikot pa ang utak ko sa pain killer na ininom ko para sa ngipin ko.

Kaya heto na lang.

Napagod ako ng sobra. Napuyat at nasubok ang aking pasensiya. Pero masaya ako. Masayang masaya sa takbo ng buhay ko. Alam kong ilang beses ko na itong nasabi. Masarap kasing sabihin.

Tuesday, May 12, 2009

WATCH WO(E)MEN

"Dalawang babaeng gurong akusadong nag-iibigan"

"Dalawang lalakeng presong nagtalik sa salita"
WO(E)MEN
It is 1934. In an all girls’ boarding school, a rumour spreads like a plague about two headmistresses having a lesbian affair. Meanwhile in Berlin, in a struggle to keep themselves sane, male homosexuals make love through words in a concentration camp under the watchful eye of the Nazis.

The woe of men, the woe of women, the woe of mankind. This summer, with two plays set in 1934, the Sipat Lawin Ensemble looks back on age-old taboos and examines the woe of men and women as they struggle in the midst of our sexually challenged and sexually changing world.
Acclaimed director, actor and production designer Tuxqs Rutaquio leads the theatre alumni of the Philippine High School for the Arts in breathing life to Joel Saracho’s Kwentong Bata (an adaptation of Lillian Hellman’s Children’s Hour) and Martin Sherman’s Lihis (Emmanuel Canteras’ translation of Bent).

Children’s Hour was adapted to film in 1961 by William Wyler starring Audrey Hepburn, Shirley MacLaine and James Garner, while Bent was filmed in 1997 by Sean Matthias starring Mick Jagger, Ian McKellen and Jude Law.


Show dates:
KUWENTONG BATA (Children's Hour):
3pm - May 20, 23
8pm - May 20, 21, 23

LIHIS (Bent):
3pm - May 21, 22

Tickets at P200

Contact me (Isab/Isabelle) at 09183092268 to reserve your tickets.

Nuod ka na.

Saturday, May 9, 2009

With Wisdom Comes Pain

And it hurts a lot. My face is literally uneven as my right jaw is screaming in pain. The last of my wisdom teeth is impacted. Impakta talaga! And the doctor cannot do anything about it until it's not swollen anymore. I was given medication for the pain and the swelling.

The thing is, I cannot schedule an operation as soon as possible as I still have an upcoming show. I was told that recovery would take 3 to 7 days. And I don't want to risk my performance.

Hay buhay nga naman!

I was suppose to have this removed last December but then my schedule did not permit me to do so. Plus the pain went away and I thought it was not that serious. Tanga Isab! Tanga!

It hurts a lot. Nakisabay pa ang cramps. Oh ovaries! Oh natural phenomena of female species from the age of puberty and beyond!

I actually felt guilty staying home the whole day trying to sleep off the pain. It is my first time to spend the day at home. Ugh. Unproductive. Not good at all.

But somehow sleeping in my Mama's bed is very comforting. I enjoyed being pampered by Mama. And none of my siblings were. Feeling only child ako! I especially enjoyed my dinner with both my parents who bought icecream because of my toothache. Hur hur hur.


I miss moments like this. Tomorrow, back to work!

Saturday, May 2, 2009

Pasensiya Patience

Nakakatuwang isipin na ang salitang "pasensiya" ay may dalawang kahulugan, "patience" at "sorry". Dahil ba na kapag nauubusan ka ng pasensiya sa isang tao at bigla kang pumutok, sasabihin mo na lang na "pasensiya".

Noong nakaraang taon, nagugulat si Jk kapag bigla akong nagkukuwento kung paano ako naubusan ng pasensiya sa isang tao o kaganapan. Dahil para sa kanya, isa ako sa mga pinakamatindi ang pasensiya. Na totoo naman siguro.

Hindi ako napipikon agad. Kaya kong ngitian na lang ang mga problema. Bihira akong nagagalit. Bihira rin akong nakakaramdam ng galit. Mabilis din mawala ang galit ko. Kamakailan lang din naman ako natuto talagang magalit.

Ewan ko ba. Pero parang nitong mga nakaraang linggo, nararamdaman ko na mabilis akong nauubusan ng pasensiya. Nanahimik na lang ako o di kaya kinikimkim ang nararamdaman hanggang sa mayroon na akong pwedeng mapagkwentuhan. Ganun lang naman ako, kelangan ko lang ikwento ang sama ng loob ko at agad din naman nawawala ang lahat.

Pero ngayon, hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang mga kinikimkim ko. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang inis na nararamdaman ko.

Somehow, patience is not my virtue again.

Siguro dahil nararamdaman ko na hindi ko masabi ang lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin na parang hindi naman yata tama na ako lang ang dapat mag-adapt sa nangyayari. Alam ko naman na ginagawa ko ang dapat kong gawin. Pero parang ang nangyayari, tinatanggap ko na lang ang kung anomang naririnig ko at sasabihing "oo nga, mali ako". Kahit alam ko na minsan, kayabangan lang din naman ang umiiral sa iba.

Oh well, George Orwell. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil pakiramdam ko ang dugyot-dugyot ko. Ang labo, wala naman talagang kinalaman yun sa pagkadugyot ko. Hahaha.

O dahil siguro masyado pa rin akong mabait para ipagsigawan talaga ang nararamdaman ko at ayokong makasakit ng iba.


Pasensiya na lang at nauubusan ako ng pasensiya.