Matagal ko nang gustong sumulat kung gaano kasaya ang kasal nina Anna at Jeremy. Gusto ko sanang isulat ang lahat ng kaganapan, bawat oras kung kakayanin. Pero sa sobrang saya, hindi ko alam kung saan sisimulan.
Pero heto, susubukan ko na.
Sa pagpaplano ng kasal na iyun, masasabi naming kinarir namin ng bongga ang "production" na iyun. Hahaha. Halos gabi-gabi kaming nag-uusap ni Jk ng mga kailangan gawin para sa kasal na iyun. At aaminin ko, nuong pumasok ang 2009, hindi ko inisip ang birthday ko. Ang una kong inisip ay ikakasal na ang kaibigan namin.
Nakakawindang. Hahaha. Hindi man ako yumaman sa pagbuhos ng effort, alam ko naman na lubos naming napaligaya sina Jeremy at Anna. At higit sa lahat, lahat kami nag-enjoy kahit na maraming technical difficulties na nangyari.
Maraming drama ang sumapit sa aming magkakaibigan sa kalagitnaan ng pagpaplano. Sa totoo lang, isang bonggang drama lang. Yung iba, mga nakaraang bubog na pasulpot-sulpot para lang mang-asar at guluhin ang aming mga utak. Kaya itong pagpaplano ay parang naging therapy na rin sa mga sawi at feeling sawi.
Work can sometimes help you move on. Nagagawang isantabi ang mga damdamin para matapos ang trabaho at makamit ang mithiin.
Charot! Ang dadrama na naman nito.
At the end of the day, fabulosa pa rin.
Masayang masaya ang gabing iyun. Hindi sapat ang mga salita kung gaano ako kasaya. Iyun ay isang gabi na punong-puno ng pagmamahal at kaligayahan.
Para kay Anna,
Roommate! Unang roommate ko sa Makiling. Grabe, isang ganap na ginang ka na!!!
Para kay Jeremy,
Alagaan mo ng sobra si Anna. Baka ipatawag namin si Bruno. Hehehe.
Magtagal kayo habambuhay. Mahal ko kayo.
Awww... I saw all the pics (well most of them). Mukha ngang masayang masaya sina Anna at Jeremy at enjoy kayong lahat! So sweet!
ReplyDeleteSo wedding planner ka na rin pala ngayon?
reserved ka na for next cheer...hahhah
ReplyDeletei must admit that i was very happy being able to be a part of this..
ReplyDeletekudos.
congrats to the two couple and of course, to you and JK!
ReplyDeletehahaha. Pwede na ring umariba sa wedding planning. Hehehe.
ReplyDeleteSame date and venue? Kung wala, maghanda ka na ng pang lechon!
ReplyDeleteHIhihi. We're all so happy with the dresses!
ReplyDeleteHihihi. Salamat!
ReplyDeletehahahhah!
ReplyDeleteno prob...
maraming salamat sa pagmamahal. wala akong masabi di ko makakalimutan ang oras na yun.. ang sarap magkaroon ng tunay na mga kaibigan, asawa at pamilya ako na yata ang pinaka masayang babae ng gabing yun, maraming maraming salamat ulit sa inyong lahat na tumulong na nagmahal na tumawa na naiyak... at higit sa lahat good luck sa mga psibol na pagmamahalan malay natin diba? ayun. salamat sa blog isab at sa iyong mga magulang na talagang sumuporta sa atin hanggang sa paghatid sa akin sa aking kasal.. sama-sama pa rin tayo... mahal na mahal ko kayong lahat!
ReplyDeleteWalang anuman. Sunod na kasal next year. Hahahaha.
ReplyDelete