Wednesday, January 21, 2009

The Best Ever!!!!

I have a rule to not write here when drunk or feeling an intense emotion. Pero ayokong palagpasin ang pagkakataong ito habang lutang pa ako sa kaligayahan.

This is the best birthday ever! And it's not yet over!

For the past few years, I would always be afraid that something would go wrong during my birthday. But today, I feel so happy. Kahit medyo hilo-hilo na ako sa kalasingan, alam kong masaya ako ng sobra. Dahil alam kong ang araw na ito ay magiging espesyal kahit hindi ko pa alam kung anong nakalaan sa mga susunod na oras.

Sa araw na ito, sinalubong ko, kasama ng mga pinakamalalapit kong kaibigan ang aking kaarawan. Alam kong alanganin na nagyaya ako ng weekday, pero na isip ko na minsan lang ako maging 22 sa araw ng 22.

Ang saya! Sobra! Ngayon lang ako naiyak sa birthday ko. Naiyak na ako dati pero iyak ng lungkot iyun. Ngayon, naiyak ako sa saya. Kumusta naman ang kantahan ka ng "happy birthday" ng mga tao sa Penguin. Kumusta naman na ang mga kanta ay inalay sayo ng mga taong hindi ko kilala. Kumusta naman ang mga pagkanta ng pinakamamalapit na kaibigang songers dahil birthday mo.

I am super happy! Naluluha pa rin ako hanggang ngayon. Hahahahaha.

Naalala ko yung nabasa ko sa magazine, yung sinabi si Zsazsa kay Karylle noong kakabreak lang nila ni Dingdong. "Think of the constants in your life." At tama siya, yoon ang pinakamahalaga. Ang mga taong hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Ang mga taong mamahalin ka habang buhay pumayat ka man o tumaba, magakaroon ka ng disapproving na jowa o jowang mamahalin ng mga taong namamahal sayo. Ang taong sasamahan ka kahit gaano kasama na ng ginawa mo dahil nagpaka-pokpok ka na at lahat.

Salamat sa lahat ng mga nagmamahal. Aaminin ko noong mag-18 ako, ginusto ko rin ng mga kakornihan gaya ng pagsasayaw kasama ang tatay at ng mga malalapit na kaibigan. My 18th birthday celebration eventually became disastrous. But this night is totally making up for it.

Nakasayaw ko ang tatay ko at ang mga malalapit na kaibigan. At higit sa lahat ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na pumapalibot sa akin. And to think I was planning not to celebrate this year. No regrets!

This year, I will take more risks. I will travel more just as I have always dream of. I will have my own pendong peace. I will love. I will hate. I will be angry. I will be sad. I will get everything I deserve. I don't even know what I deserve.

This will be my year.

For the annual current events-related wish: I wish for World peace, economic stabilty, sustainable development, abolishment of poverty and for the UN to accomplish its Milennium Goals.

Oh di ba, nakakadugo ang aking wishes.

Good times. Good company. Good year.

Thursday, January 15, 2009

Kasalang Catamora at Boivin-Sicart

Matagal ko nang gustong sumulat kung gaano kasaya ang kasal nina Anna at Jeremy. Gusto ko sanang isulat ang lahat ng kaganapan, bawat oras kung kakayanin. Pero sa sobrang saya, hindi ko alam kung saan sisimulan.

Pero heto, susubukan ko na.

Sa pagpaplano ng kasal na iyun, masasabi naming kinarir namin ng bongga ang "production" na iyun. Hahaha. Halos gabi-gabi kaming nag-uusap ni Jk ng mga kailangan gawin para sa kasal na iyun. At aaminin ko, nuong pumasok ang 2009, hindi ko inisip ang birthday ko. Ang una kong inisip ay ikakasal na ang kaibigan namin.

Nakakawindang. Hahaha. Hindi man ako yumaman sa pagbuhos ng effort, alam ko naman na lubos naming napaligaya sina Jeremy at Anna. At higit sa lahat, lahat kami nag-enjoy kahit na maraming technical difficulties na nangyari.


Maraming drama ang sumapit sa aming magkakaibigan sa kalagitnaan ng pagpaplano. Sa totoo lang, isang bonggang drama lang. Yung iba, mga nakaraang bubog na pasulpot-sulpot para lang mang-asar at guluhin ang aming mga utak. Kaya itong pagpaplano ay parang naging therapy na rin sa mga sawi at feeling sawi.

Work can sometimes help you move on. Nagagawang isantabi ang mga damdamin para matapos ang trabaho at makamit ang mithiin.

Charot! Ang dadrama na naman nito.

At the end of the day, fabulosa pa rin.


Masayang masaya ang gabing iyun. Hindi sapat ang mga salita kung gaano ako kasaya. Iyun ay isang gabi na punong-puno ng pagmamahal at kaligayahan.

Para kay Anna,
Roommate! Unang roommate ko sa Makiling. Grabe, isang ganap na ginang ka na!!!

Para kay Jeremy,
Alagaan mo ng sobra si Anna. Baka ipatawag namin si Bruno. Hehehe.


Magtagal kayo habambuhay. Mahal ko kayo.

Sunday, January 4, 2009

Bulaga and True Blood

Ang buhay nga naman, sa isang pitik lang bigla na lang may nagbabago. Yung mga akala mong walang nararamdaman ay biglang nagiging tao.

Nakakagulat lang ang mga bagay-bagay. Pero kailangan nating magpatuloy.

----------

I have been watching True Blood with Manong. It is really awesome. It's a vampire series by HBO. It is nothing like Twilight. It beats Edwards Cullen's glittered body.

It stars Anna Paquin and Stephen Moyer.

WARNING: Anna Paquin is oozing with hotness. And yeah, lots of sex scenes in EVERY episode.