Ang drama ng title ng bruha. Susubukan kong maging hindi madrama.
Okay. There are so many things I want to talk about. My mind is full of words running around, waiting to be written. My heart is full of emotions, ready to burst.
Gusto kong tumawa, humalakhak ng sobra. Pero gusto ko ring umiyak, yung tipong puno na ng uhog yung ilong ko sa kakangawa. Ang daming beses na nararamdaman ko na naluluha na ako. Pero di ko magawang umiyak.
Ang nakakapambobo pa doon ay mababaw yung mga dahilan kung bakit ako naluluha.
Gusto kong umiyak noong nanalo si Obama. Gusto kong umiyak noong pinasalamatan niya ang asawa niya at sinabi niya sa buong mundo yung "the love of my life".
Gusto kong umiyak noong malaman ko na hindi ko magiging kaklase sina Chris at Lv.
Gusto kong umiyak noong may nakita ako isang lolo at lola sa daan, namamasyal at magkahawak kamay.
Gusto kong umiyak noong napadaan ako sa isang lugar na puno ng mga alala, at alam kong hindi na mauulit ang mga iyun.
Gusto kong umiyak noong magkasama kami ng nanay ko sa SM at sabi niya na siya ang magbabayad noong isang sapatos na gusto ko.
Gusto kong umiyak noong nanunuod ako ng "Big Love".
Gusto kong umiyak noong nakarinig ako ng balita mula sa isang kaibigan.
Gusto kong umiyak noong nabasa ko yung text ni Jk ng pagpapasalamat.
Naiiyak ako. Pero hanggang doon lang. Hindi tumutuloy ang luha ko. Kaya siguro ako napapagod. Kaya siguro ako nabibigatan. Kaya siguro may nararamdaman akong kulang. Hindi pa ako umiiyak, halos dalawang buwan na. At kailangan ko na yata.
Pero ewan ko ba, ayaw tumuloy ng luha ko. Kaya siguro ako minumuta.
Buntong hininga.
Sabi ko na nga ba, ayoko ng madramang entry. Kanina ko pa iniisip kung papaano ko ito tatapusin na hindi madrama.
Kaya heto isang Shorkie Tzu
Isang mix breed ng Shih-Tzu at Yorkie. Gusto ko ng ganitong aso. Ang cute, di ba?
Hayan, matapos tayo sa cuteness! Horay!
Ang cute ng aso!
ReplyDeleteHahaha, yun lang ang nacomment eh.
Hahahahaha! ganung effect naman ang gusto ko. Kaya ko nilagyan ng aso.
ReplyDeleteUy, ni-raid pala namin yung natirang set ng Kapeng Malamig sa St. Cecilia's. Hahahaha. Share ko lang.
ReplyDeleteHahaha, sige lang, enjoy niyo lang yun. Hahahaha!
ReplyDeleteSan niyo pala ginamit? Hahaha.
ReplyDeleteSa set ng play ng Rhinoceros ng Mapua, doon din ang venue. Hehehe. Binigyan kami ng go na gamitin iyun. Hahaha.
ReplyDeleteHahaha, ayus ah. At least nagamit ulit. =)
ReplyDeleteahaha! umiyak ka na. minsan kailangan maghugas ng mga mata. masarap umiyak!!! hehehe.
ReplyDeleteHay naku! Gagawin ko talaga yun, soon!
ReplyDeleteisab, post prod depression ba ito?
ReplyDeleteHalika na mamaya!!!
AT aminin nyo! nahilo tyayo sa aso!
Mabuhay ka!
muaaaah
ako naman po hindi makatigil umiyak! hahaha! oh yes! tumatawa ako habang umiiyak! pero hindi po ako adik! pramis! iyakin lang =)
ReplyDeleteparang lungkot-smile ang reaction ko. Hugness my dear. This too shall pass.
ReplyDeleteI remember your mood swings. Sometimes I'd get worried. :) But you always bounce back. With a puppy. Or pizza. Or something else.
ReplyDeleteI hope you feel better soon. Sana maiyak ka na kung yoon ang kailangan mo.
hi isab. read this entry last night with jk. *yakap*
ReplyDeleteready to party na this sat! inom tayo with jeremy and anna sa kanila! :) doon mo na iiyak yan.
I want a Maltipoo!
ReplyDeletecuteness? akala ko ba beauty?!
ReplyDeleteHahaha. Hindi pala natin ito napag-usapan kanina. Sige sa Sabado na lang. Hindi ito postprod depression. Halo-halong anik-anik. Chika tayo ulit.
ReplyDeleteIyakin din ako. Pero may problema ata tear ducts ko ngayon. Hahaha.
ReplyDeleteSalamat Ate Gel. :)
ReplyDeleteSalamat Pol. I guess I just need a breath of fresh air. Or something. I'll be okay. Ako pa. Hehehe.
ReplyDeleteParty na ito! May swimming ba iyun? Hahahaha. Kelangan ko yan party na yan. Shet. na sobrang lagket!
ReplyDeleteThat is soooooooooo CUTE!!!! Have you seen a Labradoodle?
ReplyDeleteNagbeauty na ako ng bonggang bongga! Actually ongoing pa. Hahaha. Pagod lang ito...ata. Go beauty!
ReplyDeleteakala ko, pag prod staff, trabaho lang...
ReplyDeleteno emotional effect...
nagkakapost prod depression din pala...
anyway,
ate isab, maraming salamat sa lahat.
kala ko matatapos ang prod na hindi kita nakakausap...
hinahangaan ko kayo...
pati na ang pagkakaibigan nyo...
alam ko madalas, nakakainis ugali namen...
Salamat sa pasensya at tyaga...
Mamimiss ko yung gigising ako sa isang tabi na nakatingin kayong lahat sa'ken ng nakangiti,
yung iba tumatawa...
at sasabihn mong, "Good morning Debbie!" at may tono pa....
hehe...
ang cute nung aso...
meron ata. dala ka na din ng pang-swimming. hehe :) gusto ko din magswim!!! :D
ReplyDeletebasta we'll party. we worked hard..we should party harder.haha
Tao rin naman kami. Hahaha. Actually, isa itong biglang pagbuhos ng mga na "pause" na bagay-bagay. Nakakaoverwhelm kapag tapos na ang trabaho at nababalikan ang mga nakalimutang nararamdaman.
ReplyDeleteAng drama. Hahaha.
Salamat Debbie. Hindi ko makakalimutan yung bongga mong pose habang natutulog sa rehearsal.
At talagang cute yung aso!