Alam kong inaatake ako ng allergy kapag kumain ako ng mga putaheng marami paminta (in english, pepper). Alam kong mangangati ang mga kamay at paa ko o di kaya mamamaga ang labi ko kapag inatake ako ng allergy. HIndi ko alam kung ano talaga ang lasa ng maraming paminta. Kaya hindi ko malalaman kung aatakihin ako ng allergy maliban na lang kung inatake na ako.
Kagabi nagpunta ako ng Penguin kasama ang tatay ko at kuya ko. Nagiging regular family affair na talaga ang pagpunta ng Penguin. Ang tatay ko, may gustong makitang tao doon. Ang kuya ko, gusto ng libreng beer dahil single na siya ulit. Ako, gusto ko pumunta dahil punta daw si Alison.
Napaaga kami ng punta. Pag-upo namin, nag-order kami ng Chips and Dips. Ang putaheng iyun ay may kasamang pita bread. Sarap na sarap talaga ako sa pita bread. Kaya kumain naman ako ng pita bread ng bongga. Maya-maya nakita ko ang pinsan kong si Teri na matagal na ring pumupunta doon. Ganun na ka-intense ang family affair sa Penguin. Sa susunod na Martinez Family Reunion, sa Penguin na magaganap. Hahaha.
Lumipas ang dalawang bote ng beer at isang baso ng iced tea, inabot ako ng antok at nakaramdam ng kakaibang pagrebelde sa tiyan kaya niyaya ko na ang tatay ko umuwi. Noong malapit na kami sa bahay, naramadaman ko na yung nagrerebelde sa tiyan ko na handang-handa na lumabas. Pagbaba namin ng taxi, ayun! Sabihin na nating I marked my territory in Libertad. Not once, not twice, but three times!!! ISAB FOR THE WIN!!!
Buti na lang walang katao-tao sa Libertad. Buti na lang! Kaya tawa kami ng tawa ng tatay ko habang naglalakad kami papuntang bahay.
Winner talaga ang gabing iyun! Winner din sumayaw si Billy Crawford. Hihihi. Isa siya sa iilang kinakikiligan ko kapag nanunuod ng TV. Habang sinisimulan kong isulat ang entry na ito, siya ang pinapanuod namin ng nanay ko, at pareho kaming mangha sa kanya. Noon ko pa siya crush. Noong Billy Joe palang siya, aliw na aliw na ako sa kanya. Sinundan naman ng balita. At ang newsreporter ay walang iba kundi ang Atom ng buhay ko. Hahahaha.
Kay ganda talaga ng buhay ngayon. Sa mga natitisod diyan sa kahabaan ng buhok, mabuhay tayong lahat. Sa mga kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita, magkikita rin tayo, dahil malapit na ang Pasko, at sigurado akong may regalo kayo sa akin. Hehehe.
At dahil din diyan, mauubos naman ang pinag-ipunan ko ng bongga dahil sa Pasko.
'Tis the season to be CHUBBY! Falalalala lalalala!
Hay. Hirap na ako magsuot ng pantalon! Mabuhay ang mga miyembro ng Chandra Romero Fitness Club!
Sunday, November 23, 2008
Wednesday, November 12, 2008
Just give me till then to give up this fight
Ang drama ng title ng bruha. Susubukan kong maging hindi madrama.
Okay. There are so many things I want to talk about. My mind is full of words running around, waiting to be written. My heart is full of emotions, ready to burst.
Gusto kong tumawa, humalakhak ng sobra. Pero gusto ko ring umiyak, yung tipong puno na ng uhog yung ilong ko sa kakangawa. Ang daming beses na nararamdaman ko na naluluha na ako. Pero di ko magawang umiyak.
Ang nakakapambobo pa doon ay mababaw yung mga dahilan kung bakit ako naluluha.
Gusto kong umiyak noong nanalo si Obama. Gusto kong umiyak noong pinasalamatan niya ang asawa niya at sinabi niya sa buong mundo yung "the love of my life".
Gusto kong umiyak noong malaman ko na hindi ko magiging kaklase sina Chris at Lv.
Gusto kong umiyak noong may nakita ako isang lolo at lola sa daan, namamasyal at magkahawak kamay.
Gusto kong umiyak noong napadaan ako sa isang lugar na puno ng mga alala, at alam kong hindi na mauulit ang mga iyun.
Gusto kong umiyak noong magkasama kami ng nanay ko sa SM at sabi niya na siya ang magbabayad noong isang sapatos na gusto ko.
Gusto kong umiyak noong nanunuod ako ng "Big Love".
Gusto kong umiyak noong nakarinig ako ng balita mula sa isang kaibigan.
Gusto kong umiyak noong nabasa ko yung text ni Jk ng pagpapasalamat.
Naiiyak ako. Pero hanggang doon lang. Hindi tumutuloy ang luha ko. Kaya siguro ako napapagod. Kaya siguro ako nabibigatan. Kaya siguro may nararamdaman akong kulang. Hindi pa ako umiiyak, halos dalawang buwan na. At kailangan ko na yata.
Pero ewan ko ba, ayaw tumuloy ng luha ko. Kaya siguro ako minumuta.
Buntong hininga.
Sabi ko na nga ba, ayoko ng madramang entry. Kanina ko pa iniisip kung papaano ko ito tatapusin na hindi madrama.
Kaya heto isang Shorkie Tzu
Isang mix breed ng Shih-Tzu at Yorkie. Gusto ko ng ganitong aso. Ang cute, di ba?
Hayan, matapos tayo sa cuteness! Horay!

Subscribe to:
Posts (Atom)