Tuesday, September 30, 2008

SPANISH FILM FEST!!! at Greenbelt 3

Instituto Cervantes would like to invite you to...

 

 

 

Película

Pelikula

 

7th Spanish Film Festival

 

 

October 1-12, 2008

Greenbelt 3, Cinema 1 

 

 

 

PELÍCULA, la muestra anual del cine español y latinoamericano, estrenará 18 filmes del 1 al 12 de octubre en los cines de Greenbelt 3. Sus actividades paralelas –exposiciones, coloquios, teatros, etc.– hacen de PELÍCULA una experiencia imprescindible para todo aficionado al cine.

Para ver el horario de PELÍCULA, pincha aquí.

Para ver la lista e información sobre las películas, pincha aquí.

                                      

The PELIKULA 7th Spanish Film Festival unveils this October 1-12 at Greenbelt 3, Cinema 1. Catch the Philippine premiere of 18 movies from Spain and Latin America and mingle with two film directors (Fuera de carta’s Nacho G. Velilla and Ángeles González Sinde of Todos estamos invitados.) Complementing activities of mime theatre, photo exhibits and special guests make sure there’s something for everyone. The most important Spanish film festival in Asia, the 7th edition of PELIKULA is a not-to-be-missed event!

To see the schedule of PELÍCULA, please click here.

To see the list of films, please click here.






I will be there ALL DAY on October 1 and 8 (Wednesday), October 4 and 11 (Saturday), and October 5 and 12 (Sunday).

Nuod kayo! P65 lang! Sa Greenbelt 3 pa ang sinehan! Oh di ba! Kaya magkita-kita na lang tayo doon!

Sunday, September 28, 2008

Fairview - Ang Layo 'Teh!

Hindi ko na maalala kung nakapunta na ba ako sa Fairview noon. Siguro nga nakapunta na ako para sa isang family obligation pero di ko na talaga maalala. Bihira lang akong mayaya na gumimik ng QC dahil nalalayuan na ako. Sa Pasay ako nakatira, ang malapit sa akin at Makati at iilang istasyon ng LRT 1.

Noong nakaraang linggo, ilang beses na akong kinulit ni Jk na kunin niya akong SM para sa isang raket sa Fairview. Ang sabi ko lang "ang layo! It's Farview!" at times two ang layo sa akin. At siyempre, pinaalala ko rin na nag-aaral ako. Hahahaha.

Hanggang sa hindi na ako makatanggi at bumigay din ako. Pumayag ako na umabsent na lang dahil hindi pa naman ako lumalampas sa absences at patapos na rin ang semester.

Kaya hayun, tatlong araw akong nakitira sa bahay ni Jk sa Malumanay. Unang punta namin doon, nagtaxi kami. Nakatulog ako habang papunta. Pagkagising, wow! Wala pa rin kami sa destinasyon namin. Nakarating naman kami, doon ko na realize na iba na pala itsura ng Fairview at ang layo talaga! Pag-uwi din namin, nakatulog na naman ako sa taxi. Pagkagising ko, binasa ko yung sign sa mga tindahan, pucha, Fairview pa rin! Hahaha. Ang layo. Buti na lang hindi namin naranasan yung matinding traffic.

Pero enjoy ang tatlong araw ko kina Jk kahit hindi kami nakatulog talaga. National Artist for EVA foam na talaga si Jk. National Artists na rin kami for kinder school production kasama si Santi. Hahaha.

Sayang wala kaming picture ng mga kinarir namin props at set. Becky! Humingi ka ng pictures!

Pagkatapos namin sa Fairview, hindi pa kami nagpahinga dahil dumiretso kami ng Mapua para sa prod naman doon. Pero pumasok muna ako ng school para mag quiz, na hindi naman natuloy. Kakainis, nagpa-violation pa ako dahil nakatsinelas lang ako!



Heto ako ngayon, buong araw nang nakaharap sa computer sinusubukan gumawa ng pesteng paper at pesteng report. Pero mas gugustuhin ko pang mapuyat nang dahil sa prod. Sabi nila, mami-miss ko rin ito. Konti na lang talaga, matatapos din ako.

Saturday, September 20, 2008

Tara's Shakey's Birthday Salubong




Nang maghiwalay na kami ng landas nina Jk, Alyx, Leeroy, Anna at Vito galing Grappa's, naki-tag along ako kina Nar sa pagsalubong ng birthday ni Tara.

Bago nun, nagtago-tago pa kami ng cake na binili sa Aristocrat.

Sunday, September 14, 2008

Nang Dahil sa Lumpia

Anong feeling?

Ito ang tanong sa akin ni Jk kaninang umaga nang biglang may dumating sa bahay nina Shing. Inaasahan naman ang pagdating ng taong ito. Inasahan ko na rin ang "awkardness" na papalibot sa amin.

Eh kung hindi mo ba naman nakita yung tao ng dalawang taon, ano pa ba ang magiging feeling?? Ang matindi pa doon ay wala akong balita tungkol sa kanya, inassume ko na lang na naging hermitanyo na siya or something to that effect. Hahaha.

Oo na, masama na ako kung masama. Pero ganun naman talaga. Alangan naman chikahin ko yung tao habang nagbabasa ako ng script. Pero nakakatawa ang buong araw na ito kung iisipin.

Ayan na Alison, naka-kain ka na ng lumpia, masaya ka na? May closure na, ha. Hehehe.

Sunday, September 7, 2008

Pahamak

Pahamak talaga ang Internet.

Sa isang click lang, may nakita ka na, nasaktan ka pa, nalito ka pa.

Galing.



Mag-aaral na nga lang ako. Mas uusad pa yata ako kung ganun.

Monday, September 1, 2008