Tuesday, July 1, 2008

Solo Weekend

This weekend, I went out by myself and took advantage of the Virgin Labfest. Medyo baboy yung latter part ng sentence. hahaha.

Basta, iyun. Mag-isa akong pumunta ng CCP simula Friday hanggang Sunday at nanunood kung ano man ang pwedeng mapanood. Noong una, naisip ko na dapat panuorin ko na lahat ngayong weekend dahil pagdating ng susunod na mga araw, hindi na ako makakapanuod. Kaya hayun.

Mag-isa akong pumunta ng CCP. Nagtanong ako ng ilang tao kung pupunta sila. Hindi daw, pero tuloy pa rin ako.

Masamang gawain ko kasi yun. Yung hindi ko itutuloy ang isang bagay dahil wala akong kasama. Hindi ako pupunta ng audition dahil wala akong kasama. Hindi ako mamimili ng mga kailangan ko dahil wala akong kasama. Hindi ako manunuod ng play dahil wala akong kasama.

Tama na. Kaya heto, nakipag-date ako sa sarili ko. Na masaya naman.

Pagdating ko ng CCP ng Friday, nanuod ako ng reading ng "Kung Paano Maghiwalay". Bang. Bang. BANG! May mga linyang tagos laman loob. Buti na lang may pakain pagkatapos. Kaya hinila ko si Hogi na nakita ko sa Batute lobby na kumain muna sa Conference habang naghihintay ng 3rd chimes. Masaya.

Noong Sabado naman, paalis na ako ng compound ng naisip kong sasabay na lang ako kina Max manuod ng 8pm show. Niyaya ko rin sila sa script reading. Kaya bumalik muna ako sa bahay at umidlip. Paalis, hindi pa pala ready sina Shing kaya na una na lang ako. Taran! nandun si Alice. Kaya masaya din at may libre pa akong candy at pink stars. Natapos ang gabi na hindi ko nakita sina Shing at Max, kaya di ko alam kung tumuloy ba sila. Hahahaha.

Sunday, sabi ko sa 3pm na ako manunuod para naman maaga akong umuwi. Sinabihan ako na umuwi ng maaga. Na ginawa ko rin naman dahil wala na akong pera. Pag-uwi ko, English breakfast na naman ang dinner. Bongga.

Na alala ko lang kung paano mag-isa. Hindi miserable. Nakakatipid pa.

At may natutunan ako: HINDI TALAGA AKO HAHAYAAN NG TADHANA MAGING MAG-ISA.

Amen. :)

9 comments:

  1. Tama. hahaha. Pero hindi yung weekend dahil Thursday tayo nagkita. :)

    ay hindi pala, nakasalubong nga pala kita nung weekend, tama ba??

    ReplyDelete
  2. nung friday rin diba? pag friday weekend na yan... hehe. :D

    kilala mo pala si ate mikay! :P

    ReplyDelete
  3. Si Mikaella? Oh yeah. pareho kami ng Kinder school at pareho kaming ng St. Scho, at naging mag busmates pa kami. Kaya sobrang matagal na kaming magkakilala. Hehehe.

    ReplyDelete
  4. hahahahaah!
    ganun talga..
    pinagpapahinga ka lang ng Diyos.. :)

    ReplyDelete
  5. Trulily. Uy, tayo naman ang magtutuos ngayon. Bwahahahaha.

    ReplyDelete
  6. nanuuod ako nung saturday! 3pm nga lang. :(

    ReplyDelete
  7. Nye. Kung natuloy pala ako, magkikita tayo. hahaha.

    ReplyDelete