Paano kung biro lang pala ang pag-alis mo? Paano kung hindi pala totoo na kelangan mong umalis? Paano kung wala ka naman palang tiket na hawak? Paano kung isang napakalaking biro lang pala na aalis ka at binibiktima mo ang lahat ng mga kaibigan mo at pati na rin ako? Paano kung pagdating ng bente otso, bigla mo na lang ibubulong sa akin na "Binibiro lang kita. Tawa tayo."?
Paano kong nagawang isipin ang lahat nang ito?
Ilang beses ko nang naisip na bigla na lang tumakbo palabas. Gusto kong tumakbo sa isang daan na puno ng puno, ng damo, ng halaman. Gusto kong tumakbo sa isang lugar na binibingi ka sa ingay ng mga kuliglig. Gusto kong tumakbo para malabas lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong malabas ang lahat ng lungkot, saya at galit na naiipon sa dibdib ko. Para makapagsimula ako sa wala.
Pero saan naman ako tatakbo dito?
Gusto kong maranasang bumagal ang takbo ng mundo. Gusto kong tumalon at dahan-dahang baba sa lupa. Gusto kong huwag munang lumubog ang araw para hindi matapos ang hapong puno ng saya. Gusto kong huwag sumikat ang araw para hindi matapos ang gabing puno ng pag-uusap na tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan. Gusto kong huwag kang tumigil sa pagsasalita dahil natatakot akong makalimutan ang tinig mo.
Masyado akong maraming gusto. Karamihan ay imposible.
Pero posible bang huwag matapos ang darating na linggo? Imposible pa rin. Masakit man isipin, pero iyun ang totoo.
mahigpit na yakap, isab...
ReplyDelete:( I know exactly what you mean. tambay pa rin tayo kahit papano mkay?
ReplyDeleteSalamat Alison!!!!
ReplyDeleteDefinitely!!! :-)
ReplyDelete