Tuesday, December 30, 2008

Isab's Oh-So-Almost-Comprehensive 2008 Recap

Bare with me. This is a LONG post.

I called the last post the "lazy yearender" because I was really planning to make a comprehensive 2008 recap whatchamacallit. So comprehensive, I wanted it to be a daily thing. Pero gago ka ba Isabelle? Siyempre hindi! Dahil karamihan sa mga araw na iyun ay nasa bahay nagpapakababoy. Kaya naisipan ko na lang na monthly ang gagawin ko. Sigurado akong marami na akong nakalimutan, lalo na sa mga naunang buwan. Pero balang araw, habang nag-iinuman tayo, bigla ko na lang maalala ang kung ano mang okasyon at magugulat na lang kayo na naalala ko iyun.

Here it is!

January
- It's my favorite month! It was the month I became a man. I turned 21 then 7 days later, Papa turned 43.
  • Stage managed Eisa's Pole Dance Show with forever tandem JK. Eisa taught me a basic spin. I got it on the first try. I am a natural!
  • I received Abu the Mario doll for my birthday
  • Kripy Kreme New York Cheesecake

February
- It was my first time to go out on Valentine's day. Although it was unplanned, it was still fun. I had a gown made by Santi for the Diplomats' Ball. I didn't notice that my placecard was spelled wrong until Pol pointed out while showing him the picture. Hahaha.
  • Pol molested the Bagtikan statue
  • Once again joined the Mulan cast
  • Barrymore
March
- I love March because the climate screams vacation even if you're still stuck in school accomplishing all the shitnitz that's needed to be accomplished. This was the month I experienced the worst stage fright ever and it did not even happen onstage. But I'll never forget the Ultimate Zambales trip.
  • Camping at Anawangin with our proud sponsor Cossack Vodka
  • All I Want premiere
  • Recitals galore
April
- April was a roller coaster ride. Iyun lang ang masasabi ko.
  • Intramuros day
  • Dobledida
  • Watched Iron Man with Ren followed by a Roofdeck reading session where everyone was all "Are you okay?" mood. It was still fun.

May
- This was a month of recovery. I was mostly out of the house because I can't bear staying at home. I stayed at the Matimtiman Mansion then at Eisa's. The latter part of this month was really busy. Nakawiwindang.
  • Discovered Cubeecraft!
  • Got an internship in Instituto
  • Saw Ely Buendia for realzzzz
  • Reading for Virgin Labfest began
  • Met the fabulous people of Instituto
June
- Action-packed month! I don't know how I was able to balance my internship, Labfest rehearsals, Spanish Classes and school. It was a relief when it ended.
  • Ang Mga Halimaw
  • Attended Spanish Classes four days a week in zombie mode
  • 1st semester of my final year

July
- What can I say about July... maraming bukingan. Iyun.
  • Halimaw cast party
  • Herbie back in Manila!!! Ang paboritong instik ng lahat
  • became part of Cinemalaya's opening ceremony - pero wala naman akong napanuod ni isa
  • Practicum officially ended :(

August
- August was the calm before the storm. Malumanay ang buwan na ito dahil ang mga sumunod ay sobrang nakakaloka. This was the month that I treated myself to a perm! Sobrang sulit talaga! I love Ria of Tony and Jackey!
  • Oyens attended her first ballet class
  • Truth Fest! Panalo talaga ang bronzer ni Inang Bayang Skyzx
  • CIR GA - hosted it with my POC buddy Chris
September
- Heto na yun, sunod-sunod ang mga adventure. Most of the time, I'd be at JK's for raket-related sleepovers. My negotiating skills were pushed to the limits. I had to talk to my professors about my crazy schedule and ask them to reschedule a quiz or reporting so that I won't miss any. Hahaha.
  • Rehearsal proper for Rhinoceros began
  • Mulan for the nth time with JK and Martha
  • Whiz Kids raket with forever tandem Jk - talagang baog na ako sa kakadikit ng EVA foam
October
- How did I survive October? Let me count the ways...
I seriously didn't feel I had a sembreak. October was like June. I had to balance Rhino rehearsals, volunteer work for Pelicula, finals, parties and supporting friends in Fashion Week
  • Jk's birthday!
  • Pelicula! and the greatest drama during the closing night!
  • Fashion week
  • Togo moments with the POC barkada

November
- In my many many many years as a student, I have never missed a first day of class. Iba na talaga ang kapangyarihan ni Jk!
  • Rhinoceros Show
  • Rhinoceros Cast Party
  • Anna Catams' Belated Birthday Celebration
  • Standstill Concert!
December
- Yehey December! 'Tis the season to chubby, fa lalalala lalala la!!!! I believe I gained a lot of weight this month and it all went to my belleh! Christmas parties galore! Drinking galore! Most dramatic moment in a family scenario!
  • Makiling's Album launch - kung saan nagpustahan kami ni Nina na pareho naman kaming talo
  • Mga Christmas party kung saan-saan
  • On the morning of Christmas eve: Yung pinsan kong pinapaaral ng tita ko (a.k.a. Mommy Alona) pumunta ng simbahan para sa Simbang Gabi. Hindi na siya bumalik, wala siyang iniwang damit kundi uniporme sa school. Pinapaniwalaang sumama na siya sa kanyang jowa. Pinuntahan nina Mama, Papa at Mommy yung bahay nung jowa, walang sumagot pero naririnig na may umaandar na electric fan sa loob. Keber na ng nanay ko, sapat na yun. Kung ayaw magpakita, eh di wag! Basta nag-effort na silang hanapin siya. She's 18 years old. Kaya noong Noche Buena, celebrate pa rin kami dahil masasarap ang pagkain! Horay!
  • My nieces from Australia!
  • Oyens got dengue. :( But she's okay now. 
  • Planning the Ultimate Wedding of 2009
  • Watchmen! - ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang ito binasa na matagal nang may kopya ang kuya ko

In fairness, napagod ako sa kakagawa ng post na ito. May mga litratong kinuha ko pa sa kung kani-kaninong multiply at fezbuk. This post was 3 days in the making. Hahaha!

And so...

2008 was fun. Hahaha. Napagod na ako, wala na akong masabi. Seriously, it was fun. It was full of ups and downs, roller coaster ride.

Ang kaso, lagi kong nararamdaman na may darating na pababa. Yung tipong kapag nakasakay ka sa roller coaster nakikita mo yung drop tapos pinipilit mong ihanda yung tiyan para hindi umakyat sa kung saan man aakyat. Pero kahit anong handa mo, hindi pa rin sapat, masakit pa rin sa tiyan. Pero matatawa ka na lang pagkatapos ng buong ride.

Ganoon ang nangyari, sinubukan kong paghandaan lahat ng drama. Pero hindi, tinamaan pa rin ako ng bongga. Pero kapag inaalala ko ngayon, napapangiti na lang ako at nasusundan ng tawa. What doesn't kill you will make you stronger, sabi nga ng kung sino man nagsabi noon. Tatay ko ata iyun, o baka narinig niya lang din.


I do not know what 2009 will bring. I'm sure of some things:
  • a wedding (not mine, definitely)
  • my graduation!!!
  • at least two out-of-town trips
  • job hunting
I'm starting to get that pre-new year anxiety attack. I always get that every year. I'm sure 2009 will be full of surprises.

Basta sa taong ito, kakabugin natin ang dapat na kabugin. In 2009, I will be rolling in awesomeness. At sabi nga ni JK, ang theme sa darating na taon ay

ALL'S MINE '09

Manigong Bagong Taon sa ating lahat!!!!

Wednesday, December 24, 2008

Para sa mga Minahal, Muntikang Mahalin, Minamahal at Mamahalin

Maligayang Pasko!


Dahil hindi pa ako nakakapag-ayos, itong patikim na lang ng grad pic ko. Hehehe.


Magpakasaya tayong lahat!

And this is how Google made me happy

So I was reading an email from someone close. It was about something I really can't talk about. Basta secret na yung kwento kung ano. Malulungkot ako dapat.

Kaso pagtingin ko sa Sponsored Links ng Gmail, heto ang lumabas


Nakakainis, di ba? Kaya natawa na lang ako imbis na maluha. Napahalakhak ako ng bongga. Bawal daw kasi malungkot sa pasko. Kaya ayan, pinamukha sa akin ng Google. Salamat!

Monday, December 22, 2008

2008 Lazy Isab's Yearender Report

2008 Lazy Isab's Yearender Report - ninenok galing kay Alyx

1. What did you do in 2008 that you'd never done before?
 - went out with someone my parents and many friends didn't like ---huge mistake!! at least I learned something. Hahaha!
- went to Penguin a lot with my father.
- cried in Leeroy's car. Hehehe. Daming uhog nun.
- internship at Instituto
- volunteer for Spanish Filmfest

2. Did you keep your new years' resolutions, and will you make more for next year?
I don't make a new year's resolution. My resolutions are made on my birthday.

3. Did anyone close to you give birth?
No. Wait! Yep, wala talaga.

4. Did anyone close to you die?
Almost close, Santi's dad na lagi akong chinichika kung kumusta na kami ni Erwin tuwing pumupunta ako sa bahay nila.

5. What countries did you visit?
None. Next year pa nakaschedule ang mga biyahe-biyahe. Kaya hanggang ngayon hindi pa nakarenew ang passport ko. Dalawang taon nang expired. Alam kong malapit lang DFA sa amin, pero tamad lang talaga ako.

6. What would you like to have in 2009 that you lacked in 2008?
I'd like to have more peaceful nights and less insomia attacks. Oh! more spontaneous roadtrips.

7. What date from 2008 will remain etched upon your memory, and why?
April 2008 - dahil tumambling ng bongga ang puso at utak ko.

8. What was your biggest achievement of the year?
Staying in the honors' class despite all the rakets and internship during the first semester.
 
9. What was your biggest failure?
Saka ko pa malalaman dahil may "one time, big time" akong ginawa. Kung mali nga naginawa ko yun, eh yun na yun. Kung hindi, mag-iisip ako kung ano nga.

10. Did you suffer illness or injury?
Usual cough and flu.

11. What was the best thing you bought?
My new Moleskin planner. Hahaha. Splurge! and all the dresses and shoes that I bought for myself.

12. Whose behavior merited celebration?
Lahat! Lahat-lahat na nandiyan noong parang engot ako sa kakangawa at nakining sa mga walang kwenta kong pagsasalaysay sa mga kagagahan ko sa buhay. Mahal ko kayo.

13. Whose behavior made you appalled and depressed?
Siya na hindi na natin pag-uusapan at siguradong magsisi na gago siya. Hahahaha.

14. Where did most of your money go?
Food, beer, Vice parties, clothes.

15. What did you get really, really, really excited about?
ALL'S MINE IN '09!!! And graduation friends forever chuwariwap.

16. What song will always remind you of 2008?
Maraming kanta. Spoiled - Joss Stone, Mariposa - Sugarfree, Joshi tachi ni Asu wa Nai - Chatmonchy, Linda linda at marami pang iba!

17. Compared to this time last year, are you:

i. happier or sadder? Not really sure. This year was a telenovela year. Iyak-tawa-iyak-tawa epek

ii. thinner or fatter? Fatter - that's why I bought lots of dresses because wearing jeans is a bit of struggle.

iii. richer or poorer? Richer. Salamat JK!!!


18. What do you wish you'd done more of?
Be more spontaneous. More exercise.

19. What do you wish you'd done less of?
Rationalize every single thing that I do.

20. How will you be spending Christmas?
At home, eating and drinking a lot.

22. Did you fall in love in 2008?
Continuation of the 2007 drama-rama sa buhay ni Isab. Hahaha.

23. How many one-night stands?
Wala. Kung meron, bakit ko sasabihin dito. Ahahaha.

24. What was your favorite TV program?
How I Met Your Mother, Gossip Girl (hehehe) and Big Bang Theory

25. Do you hate anyone now that you didn't hate this time last year?
Oo. Sabi nga ni Bigol, ibaon na yun sa lupa! takpan pa ng mga malalaking bato para hindi na talaga umusbong pa.

26. What was the best book you read?
It would be Last Hero by Terry Pratchett. Ewan ko ba kung bakit ngayonko lang binasa. Siguro Para Kay B kapag nabasa ko na. Hahaha.

27. What was your greatest musical discovery?
Standstill. I wasn't able to understand most of their songs during their concert because it was all in Spanish. BUT they were great performers. As in, no joke!

and I can sing "Alone" with a little help from Blessed San Miguel.

28. What did you want and got?
Rakets and Moleskin.

30. What was your favorite film of this year?
Ironman, Oxford Crimes, Atonement

31. What did you do on your birthday?
Went out and got Abu the Mario Doll

32. What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?
That thing that keeps me wondering most of the time

33. How would you describe your personal fashion concept in 2008?
Haliparot. Hahaha. It was really diversed, I dressed up a lot compared to last year. And I also wore more dresses this year.

34. What kept you sane?
Friends (from Matimtiman to Masigla, from different circles) and Oyens.

35. Which celebrity/public figure did you fancy the most?
The royal family of Pitt-Jolie.

36. What political issue stirred you the most?
The attempts for another impeachement, Sabah issue, Georgia issue, Obama election

37. Who did you miss?
Yung mga nasa esteyts.

38. Who was the best new person you met?
People from Instituto, si Martha na panigurado ay Beauty na ngayon. Hihihihi.


39. Tell us a valuable life lesson you learned in 2008:
Makinig sa mga magulang. Hindi rin masama makinig sa chismis paminsan-minsan.

40. Quote a song lyric that sums up your year:
tugz tugz tugz!

Wednesday, December 3, 2008

Conscious means of the Subconscious

When I was in third year high school, there was this one time in Acting 2 Class where Mam Shamaine gave a lecture on Stanislavski. She read excerpts from a book he wrote. I remember falling asleep in the middle of the class. It was a cold afternoon, a perfect time for a nap.  Of course, she noticed most of us were not paying attention. So she gave us a reading assignment on "Conscious means of the Subconscious". She also told us to be prepared for a quiz on our next meeting.

For one week, me and my batchmates discussed this topic like we were experts. We would even try to explain this to other classmates of different majors. At malaking hello, ano ba naman pakialam ng VA sa conscious means of the subconscious ek ek. Then they would stare at us blankly, pretend to be interested and continue doodling.

I remember Roselyn and I made a diagram about it.

The day of the quiz, Mam Shamaine had one question for us.

Explain "Conscious means the Subconscious".

I was stumped. Guilt for sleeping in class took over. I realized that I really didn't understand this principle that well. So I tried to bluff my way through the whole quiz and I even drew the diagram Rose and I formulated.

When the results came, most of us didn't do well. The diagram didn't help my grade. Hahaha. I can't remember what happened after that quiz, but I do remember that we had acting exercises practicing this principle. That year, I pushed myself to go beyond the mediocre student that I was. Then I got the role Lady Chambermaid for Ondine, which to me was my "break-through role".



I don't really know what is the point of me telling this story. But this whole "conscious means to the subconscious" has been replaying in my head since the weekend.

When I think about everything that has happened to me for the past few days, I feel the need to cry. But I can't. I just can't.

And now I won't force myself.
Shit has happened. It really sucks. But I am okay. And I don't mind being okay about it. I don't mind being able to talk about that whole shitful episode of my life smiling and laughing all through out. I guess I am too consciously happy that it has made my subconscious happy as well. Whatever that means.

Sayang nga lang. Ilang beses ko pa namang napanaginipan kung anong pwedeng mangyari. Pero hindi na. Hindi bale na lang. Sayang talaga.

Para sa iyo, pakasaya ka sa buhay mo. Dahil ako masaya. Mag-isa man ako, masaya ako at wala akong niloloko o binobola.


Sunday, November 23, 2008

Pita Bread Allergy, TV Crushes and more!

Alam kong inaatake ako ng allergy kapag kumain ako ng mga putaheng marami paminta (in english, pepper). Alam kong mangangati ang mga kamay at paa ko o di kaya mamamaga ang labi ko kapag inatake ako ng allergy. HIndi ko alam kung ano talaga ang lasa ng maraming paminta. Kaya hindi ko malalaman kung aatakihin ako ng allergy maliban na lang kung inatake na ako.

Kagabi nagpunta ako ng Penguin kasama ang tatay ko at kuya ko. Nagiging regular family affair na talaga ang pagpunta ng Penguin. Ang tatay ko, may gustong makitang tao doon. Ang kuya ko, gusto ng libreng beer dahil single na siya ulit. Ako, gusto ko pumunta dahil punta daw si Alison.

Napaaga kami ng punta. Pag-upo namin, nag-order kami ng Chips and Dips. Ang putaheng iyun ay may kasamang pita bread. Sarap na sarap talaga ako sa pita bread. Kaya kumain naman ako ng pita bread ng bongga. Maya-maya nakita ko ang pinsan kong si Teri na matagal na ring pumupunta doon. Ganun na ka-intense ang family affair sa Penguin. Sa susunod na Martinez Family Reunion, sa Penguin na magaganap. Hahaha.

Lumipas ang dalawang bote ng beer at isang baso ng iced tea, inabot ako ng antok at nakaramdam ng kakaibang pagrebelde sa tiyan kaya niyaya ko na ang tatay ko umuwi. Noong malapit na kami sa bahay, naramadaman ko na yung nagrerebelde sa tiyan ko na handang-handa na lumabas. Pagbaba namin ng taxi, ayun! Sabihin na nating I marked my territory in Libertad. Not once, not twice, but three times!!! ISAB FOR THE WIN!!!

Buti na lang walang katao-tao sa Libertad. Buti na lang! Kaya tawa kami ng tawa ng tatay ko habang naglalakad kami papuntang bahay.


Winner talaga ang gabing iyun! Winner din sumayaw si Billy Crawford. Hihihi. Isa siya sa iilang kinakikiligan ko kapag nanunuod ng TV. Habang sinisimulan kong isulat ang entry na ito, siya ang pinapanuod namin ng nanay ko, at pareho kaming mangha sa kanya. Noon ko pa siya crush. Noong Billy Joe palang siya, aliw na aliw na ako sa kanya. Sinundan naman ng balita. At ang newsreporter ay walang iba kundi ang Atom ng buhay ko. Hahahaha.


Kay ganda talaga ng buhay ngayon. Sa mga natitisod diyan sa kahabaan ng buhok, mabuhay tayong lahat. Sa mga kaibigan na matagal ko nang hindi nakikita, magkikita rin tayo, dahil malapit na ang Pasko, at sigurado akong may regalo kayo sa akin. Hehehe.

At dahil din diyan, mauubos naman ang pinag-ipunan ko ng bongga dahil sa Pasko.

'Tis the season to be CHUBBY! Falalalala lalalala!

Hay. Hirap na ako magsuot ng pantalon! Mabuhay ang mga miyembro ng Chandra Romero Fitness Club!

Wednesday, November 12, 2008

Just give me till then to give up this fight

Ang drama ng title ng bruha. Susubukan kong maging hindi madrama.


Okay. There are so many things I want to talk about. My mind is full of words running around, waiting to be written. My heart is full of emotions, ready to burst.



Gusto kong tumawa, humalakhak ng sobra. Pero gusto ko ring umiyak, yung tipong puno na ng uhog yung ilong ko sa kakangawa. Ang daming beses na nararamdaman ko na naluluha na ako. Pero di ko magawang umiyak.

Ang nakakapambobo pa doon ay mababaw yung mga dahilan kung bakit ako naluluha.

Gusto kong umiyak noong nanalo si Obama. Gusto kong umiyak noong pinasalamatan niya ang asawa niya at sinabi niya sa buong mundo yung "the love of my life".
Gusto kong umiyak noong malaman ko na hindi ko magiging kaklase sina Chris at Lv.
Gusto kong umiyak noong may nakita ako isang lolo at lola sa daan, namamasyal at magkahawak kamay.
Gusto kong umiyak noong napadaan ako sa isang lugar na puno ng mga alala, at alam kong hindi na mauulit ang mga iyun.
Gusto kong umiyak noong magkasama kami ng nanay ko sa SM at sabi niya na siya ang magbabayad noong isang sapatos na gusto ko.
Gusto kong umiyak noong nanunuod ako ng "Big Love".
Gusto kong umiyak noong nakarinig ako ng balita mula sa isang kaibigan.
Gusto kong umiyak noong nabasa ko yung text ni Jk ng pagpapasalamat.

Naiiyak ako. Pero hanggang doon lang. Hindi tumutuloy ang luha ko. Kaya siguro ako napapagod. Kaya siguro ako nabibigatan. Kaya siguro may nararamdaman akong kulang. Hindi pa ako umiiyak, halos dalawang buwan na. At kailangan ko na yata.

Pero ewan ko ba, ayaw tumuloy ng luha ko. Kaya siguro ako minumuta.

Buntong hininga.


Sabi ko na nga ba, ayoko ng madramang entry. Kanina ko pa iniisip kung papaano ko ito tatapusin na hindi madrama.

Kaya heto isang Shorkie Tzu


Isang mix breed ng Shih-Tzu at Yorkie. Gusto ko ng ganitong aso. Ang cute, di ba?

Hayan, matapos tayo sa cuteness! Horay!

Friday, October 31, 2008

Melancholic

It's my first time to spend the Halloween alone.



I miss you, you and you.



I hope to talk to you soon.

Thursday, October 23, 2008

Dahil ang Bilis Magpost ni Nina ng Pictures

Nagcomment si Jk kanina lang na ang bilis ni Nina magpost ng pictures tapos wala namang post tungkol sa nangyari kagabi. At dahil competitive ako, ako na lang ang magpopost ng recap kung anong nangyari kagabi. Hahahaha.

Sabi nga ni JK basta kulot competitive.

Ayun, dumating kami sa bahay Malumanay Mansion galing ng rehearsal. Alyx, Leeroy and Nina were there. Jk had an extra-ordinary glow. Parang Ikakasal pero hindi, kakain lang kami. After our little trip to Eunilane, the goddess of Posadas, Anna Migallos arrived.

Kainan na. Fiesta kung fiesta. Siguro dahil iyun na rin ang last party namin sa Malumanay mansion dahil lilipat na sila sa Matalino. sarap ng chika-chika. Maya-maya, tumawag ang Jeremy, Anna Catams' French dude, dahil naliligaw daw siya. Hahaha.

Kaya mega-sundo ako sa kanto ng  Malumanay. Wala si Anna, so Jeremy partied for two.  Nakakainis di ba, yung boyfriend nakikiparty sa mga kaibigan. parang yung house warming last year ng Malumanay.

It was also last year that we met Jeremy. It dubbed as the "Couples' Party" dahil lahat daw may jowa except kay Jk. Hahaha. Yun din ang unang beses na dinala ni Alison si Joshua sa isang ViCe party. humabol din si Alison kagabi. Horay! 

Dito pa rin ako, tinatamad pang umuwi para kumuha ng cellphone charger. Matutulog na lang siguro ako.  Siya.


Bukas Fashion show na ni santi. Yihiiiii!

Wednesday, October 22, 2008

Para sa paborito kong Becky

From High School Bully

















to forever director-SM tandem
- A Butterfly Went By
- MSA Whiz Kids
- Mapua Rhinoceros






























isa kang mapagbigay na aktor



ibang level ang friendship natin

at dahil ako korny mong kaibigan simula pa noong unang panahon

ume-effort talaga ako!

Mahal kita Jk! Wag mong kalimutan mag-enrol ngayong sem. Hehehehe. Mwah!!!

Para sa marami pang pagsasama!