Sa taxi, tumutugtog ang kantang "If I only had a line to heaven I swear, I'll call you there".
Siya: Sino nga ba kumanta niyan?
Ako: Introvoys. Yan yung kinompose ni Paco Arespacochaga para sa nanay at tatay niya na namatay sa car accident tapos ginawan ng episode ng Maalaala Mo kaya.
Siya: Wow, naaalala mo pa yun.
Ako: Hahaha. Oo. Grade two yata ako nung pinalabas yun. O grade 4. Hindi, grade two kasi kinanta pa nga yun nung teacher ko class.
Hanggang sa napag-usapan namin si Geneva Cruz at KC Montero at kung gaano na ba talaga sila katanda.
Ang sarap sabihin ng pangalan ni Paco Arespacochaga. Parang ang paulit-ulit na di mawari yung tunog.
Subukan mong sabihin yun ng tatlong beses. Pabilis ng pabilis.
Paco Arespacochaga. Paco Arespacochaga. Paco Arespacochaga.
Tapos, nalaman ko na buhaya pa pala ang bandang yun. May website pa nga sila e.
INTRoVOYS
- dali puntahan mo!!
Thank you so much for remembering! Yes... i wrote the song for my mom when she passed away (of pancreatic cancer)... then decided to sing the song when my dad passed away (of depression from my mom's death). It was his request that I sing the song. Who would've known it would open new doors for everyone involved!
ReplyDeleteGo visit my multiply site (pacotiny.multiply.com) and see new pics of the band as well as of geneva, casey and heaven...
Oh wow.
ReplyDeleteHello po.
Thank you for visiting my site. And commenting too.
Astig.
oh i thought the song was related to the parents' car accident?.. magkaiba pala ng cause and time of passing?
ReplyDelete