Okay lang sana na napupuyat ako. Okay lang din sana na nagigising ako ng maaga kung may kelangan gawin. Tsaka kung may usapan na magkikita ng maaga para gumawa ng isang bagay.
Hindi ako nagrereklamo na pumunta pa akong Matimtiman kagabi kahit pagod ako sa meeting namin kung saan may isang nakakatatanda na hindi makuha yung konsepto na gusto na ipakita. Kasi nga di ba, pwede akong pumili na huwag pumunta. Pero pumunta ako. At hindi iyun ang inirereklamo ko.
Gumising ako ng maaga para iprint yung mga hinayupak na ilalagaya sa board na yan na dapat na naming ikabit. Wala akong problema dun, na ako dapat ang magrint. Tutal sabi ko ako na lang bahala sa text na kailangan.
Dapat magkikita tayo ng alas nuebe y media ng umaga. Alam kong late na ako sa usapan namin. Kasalanan ko yun. Dahil hindi ako nagmadaling maglakad at binalikan ko pa yung relo ko dahil nakalimutan kong suotin. Iniisip ko na kuung paano ako magsosorry.
Pero yung nakakapang-gigil sa lahat. Pag dating ko, wala ka! Pangalawang beses na ito na hindi mo ako sinipot! Katarantaduhan. Ngayon pa lang kita nakakatrabaho at ang pangit na ng dating mo sakin. Simula palang ng pagsasama natin para sa taon na ito. Putcha. Kung ganyan ka hanggang March, mukhang lagot ang trabaho natin niyan.
Ilang beses nang na delay ang trabaho nating ito dahil sayo tapos... tapos.... grrrr. Hind ka susulpot. Bwiset talaga. To the maximum and ultimate level! Sana natutulog ako ngayon hindi nagpapalipas ng oras dito sa library sa school.
Tama na.... Makikipag chikahan muna ako para mawala init ng ulo. Para namang mababasa mo ito.
------------------------------------
Ang bilis na ng internet sa school. Promise. Ang saya. kaso bawal pa rin ang yahoo messenger. Tsk tsk tsk!
kung bawal ang ym, may solusyon!!! meebo.com ;-) try mo.
ReplyDeletewow. ang galing! sige. masubukan nga sa school. hehehe. salamat te shing!
ReplyDelete