Pagkatapos ng klase, parang unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil ito sa kulang sa tulog o dahil sa lecheng hormones. Ang lungkot, naghanap ako ng makakausap, pero wala e. Lahat ng mga kadaldalan ko may klase kung di kaya MIA. Naiiyak ako na di mawari. Ayoko talaga ng ganitong pakiramdam.
Umuwi ako, sinubukan kong idaan sa Milko ice cream at piaya at pakiramdam ko. Napawi naman kahit papaano. Pero Leche talaga kung ganito na nga pakiramdam mo tapos biglang may taong magrereklamo na ang problema daw ay nakukuntento na lang kami sa ganito. Na wala siyang sariling TV at computer. Ang masakalap pa, gusto niyang sumang-ayon ako. Bato talaga siya! Tuod! Hindi na nga ako umiimik dahil kapag ako piangsalita, magsisigawan lang kami. mas mabuti pa ngang umalis siya. Akala niya, siya lang matyr dito. Baka gusto niyang magpahabaan ng listahan.
Pucha. Ayan na ang luha. Mas masakit talaga ang luha kapag pinipigilan.
Nawa'y maging maliwanag ang sikat ng araw bukas.
No comments:
Post a Comment